Loading...
2009-01-12
Pilipinas, tiyak na babayuhin ng Krisis!
Lathala ni gomezlaw | Monday, January 12, 2009 | Ekonomiya | 3 comments »Patindi ng patindi ang hagupit ng krisis pinansyal sa buong mundo. Maraming bansa na ay binabayo ng naturang krisis. Pangunahing nasapol ang mga mayayamang bansa na malaki ang nakalagak na kapital sa sektor ng pagmumuhunan at pagpapautang katulad ng Amerika at Britanya. Tinatamaan din ang sektor ng pagluluwas ng mga kalakal (export industry). Ang paghagip ng krisis sa mga naturang sektor ay kakalat pa sa ibang sektor ng ekonomiya ng bansa. Parang bumabagsak na mga domino ang kahahatungan buong ekonomiya ng mundo kung hindi ito maaabatan.
Ang laki ng epekto sa isang bansa nang nasabing krisis ay nakadenpende sa tindig at lakas ng sariling ekonomiya. Kung ang ekonomiya ng isang bansa ay nakaasa sa mga pangunahing bansa o sektor ng ekonomiya na binabayo ng krisis, tiyak na makakaranas din ito ng matinding hagupit. Ang tanging tanong na lang ay kung kailan nito mararanasan ang bagsik ng hagupit ng krisis. Kung ang isang bansa naman na may relatibong tindig at hindi masyadong nakasandal sa mga pangunahing bansa o sektor ng ekonomiya na hinahagupit ng krisis, malaki ang posibilidad na hindi ito gaano maapektuhan ng lumalalang krisis ngunit hindi rin tataas ang antas ng kanyang ekonomiya. Tanging ang mga bansa laman na may industriya o ekonomiya na pangunahing tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mamamayan o nasasakupan ay ang tiyak na makakaligtas sa nasabing krisis.
Ang tanong: tatamaan ba ang Pilipinas o maliligtas ba ito?
Ang sagot: tiyak yon! na sapul na sapul ang Pilipinas. Ika nga, BULL’S EYE na BULL’S EYE!
Kung bakit? Ito ang sagot:
1. Ang Pilipinas ay walang masasabing batayang industriya na tumutugon sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan. Ang mayroon tayo ay mga “support industry” o “spin-over industry” sa “basic industry”. Halimbawa: Wala tayong sariling pagawaan ng kotse o anumang batayang transportasyon. Ang mayroon tayo ay assembly plant na kung saan ang mga yaring bahagi ay mula pa sa ibang bansa. Mayroon din nga pala tayo ditong mga EPZA na pangunahing tutmutugon sa pangangailangan ng ibang bansa. Pano na ngayon kung humina na rin ang ekonomiya nila at hindi kailangan ang mga ginagawa sa EPZA?
2. Ang ekonomiya natin ay import-driven. Kung hindi lahat, karamihan sa mga pangunahing pangangailan ng ating mamamayan ay inaangkat pa natin. Ang mabigat pa nyan, ang bigas na dati natng niluluwas ay inaangkat na rin natin. Pati nga sibuyas na mayroon naman dito ay inaangkat na rin natin. Kung mayroon man tayong niluluwas, ito ay mga hilaw na yaman ng ating bansa katulad ng langis, mina, mangga, tuna at iba pa.
3. Ang Pilipinas ay matagal ng nakasandal sa pawis ng OFW. Ito ang pangunahing sumasalba sa bangkaroteng ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit papaano na ngayon kung ang mga pangunahing destinasyong bansa ng mga OFW ay humihinana rin ang ekonomiya? Katulad ng nangyayari sa Taiwan.
Ilan lang ito sa mga puntos kung bakit tiyak na tatamaan ng krisis ang Pilipinas. Ang mabigat nito ay nasa “state of denial” ang pamahalaan. Sa halip na sentruhan ang pagtatayo ng sariling batayang industriya o mga pagawaan para sumalo sa mga mawawalang ng trabaho, ipinagpipilitan pa rin nito ang “export of labor” policy nito. Ang kawalan ng mga wasto at kongkretong solusyon sa rumaragasang krisis ng pamahalaang Arroyo, ang matitiyak ng ibayong paghihirap sa mamamayang Pilipino.
Ako naman po ito at ito ang aking isang sentimong pananaw!
Share and Enjoy!
2009-01-08
Giyera Anihilasyon ng Zionista laban sa Arabyano
Lathala ni gomezlaw | Thursday, January 08, 2009 | Internasyunal | 0 comments »Tapos na ang pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon ngunit wala pa ring humpay ang putukan sanhi ng giyera sa isang bahagi ng gitnang silangan. Walang patumanga ang pambobomba ng mga eroplano de gierra ng Israel sa mga sinasabi nitong kampo o pinagtataguan ng kalaban nilang Hamas. Pinasok na mga tropa ng Israel ang Gaza at walang habas na rirarat ang mga pinaghihinalaan nilang kota ng mga Hamas.
Sa pagkapanalo ng Israel sa giyera, lalong umalab ang poot ng mga arabong muslim at nagpatuloy ang kaguluhan. Upang matapos na ang lumalalang sitwasyon sa gitnang silangan at makamit na ang matagalang kapayapaan, bumuo ng resolusyon ang UN na nagmamando sa Israel na ibalik ang mga sinakop nilang lupain sa giyera ng 1967. Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito ganap na naisasakatuparan ng Israel.
Hindi ba ibinalik na ng Israel ang GAZA strip at West Bank sa mga Palistino? Bakit hindi pa rin huminto ang kaguluhan?
Sa kasalukuyan, 688 na Paliitino na ang patay (350 ay sibilyan at 130 ay bata), mahigit 3000 na ang sugatan at 5000 na ang lumikas. Sa pinakahuling pambobomba,tinamaan ang isang iskwelahan at napatay ang 40 na bata. Wasak na ang halos lahat ng mga gusali at pamamahay sa GAZA ngunit wala pa ring sinyales na hihinto ang Israel sa paglusob nito.
Alam naman natin lahat na ang giyera sa gitnang silangan ay mas matanda mas marami sa atin ngayon. Ang giyerang ito’y maiuugat sa desisyon ng UN noong 1948 nang katigan nito ang plano ng Britanya na hatiin ang kalupaan ng palistino at itatag ang estado ng Israel sa isang bahagi. Dahil dito, sumiklab ang digmaan laban sa mga bansang arabo laban sa Israel. Kung tutuusin walang panalo sa Israel kontra sa maraming bansang muslim nanakalaban nila ngunit sa suporta at ayuda ng dalawang malalakas na bansa (Amerika, Britanya at Frances), tinalo nila ang mga arabo at sinakop pa ang ilang bahagi ng kalupaan ng kanilang nakalaban (West Bank, East Jerusalem, Gaza Strip, Golan Heights at Senai Peninsula) noong 1967.
Sa pagkapanalo ng Israel sa giyera, lalong umalab ang poot ng mga arabong muslim at nagpatuloy ang kaguluhan. Upang matapos na ang lumalalang sitwasyon sa gitnang silangan at makamit na ang matagalang kapayapaan, bumuo ng resolusyon ang UN na nagmamando sa Israel na ibalik ang mga sinakop nilang lupain sa giyera ng 1967. Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito ganap na naisasakatuparan ng Israel.
Hindi ba ibinalik na ng Israel ang GAZA strip at West Bank sa mga Palistino? Bakit hindi pa rin huminto ang kaguluhan?
Tama! Ibinalik na ng Israel ang dalawang lupain sa PLO (sa pamumuno ni Yasser Arafat) ngunit hindi bago nito masigurado kontralado pa rin nito lahat ng batayang pangangailangan ng “malayang bayan” katulad ng tubig, kuryente at hi-way. Ito ang bargaining power ng Israel sa bagong “malayang bayan” ng Palistino. Tinitiyak ng Israel na kung sino man ang mamumuno sa Palistino ay kaibigan nila.
Nagsimula ang partikular na gulong ito ng ayaw igalang ng Israel ang pagkakahalal ng Hamas sa pamumuno ng Gaza Strip. Ginipit ng Israel ang Hamas sa paggamit ng kanilang bargaining power. Gumanti ang Hamas! Gumanti rin ang Israel! At heto na ang resulta.
Sa ganang akin hindi titigil ang giyera sa pagitan ng Israel at bansang arabo hanggat hindi nililisan ng Israel ang mga lupain ng Palistino. Walang karapatan ang kahit sinong bansa na ibigay ang mga lupain na hindi nila pag-aari. Kung talagang nagmamalasakit ang Britanya sa mga Jews, bakit hindi sa sariling lupa nila sila kumuha at ibigay sa mga Jews. Bakit kailangan sa Gitnang Silangan o gitna mismo sa lupain ng mga arabo kailangan ilagay at armasan ang mga Jews? Hindi kaya estratehiya ito para makontrol ang yaman ng lupain-ang langis?
Naalala ko tuloy ang paglusob ng Amerika at Britanya sa Iraq dahil daw sa usapin ng Weapon of Mass Destruction(WMD). Nasakop nila ang Iraq ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang mapakitang WMD sa Iraq. Ang tanging nakita nila ay ang itim na ginto – ang langis.
Ito ang aking tingin. Ito ang aking isang sentimong pananaw!
Share and Enjoy!
Subscribe to:
Posts (Atom)