Loading...
2008-10-21
Aking Pahayag
Lathala ni gomezlaw | Tuesday, October 21, 2008Pilipinas: May pag-asa Pa ay isang blog na personal at pag-aari ni Lawrence Gomez. Inaako ng may-ari ang pangunahing resposibilidad sa lahat ng nilalaman ng blog na ito. Ang bawat posisyon o pananaw sa mga isyu’t usapin ay repleksyon lamang ng paniniwala at paninindigan ng may-ari.
Karamihan sa mga nilalaman nitong artikulo ay orihinal na sinulat at inedit ng may-ari. Ang blog na ito ay tatanggap ng mga kontibusyong artikulo mula sa ibang manunulat . Maglalathala din ito ng mga artikulo na orihinal at nauna nang lumabas sa ibang blog, site o pahayagan.
Ang lahat ng manunulat at/o pinagmulan ng mga akda na hindi likha ng may-ari ay bibigyan ng kredito sa pinatutungkulang artikulo. Ang may-ari ng mga larawan, image o video na ginamit sa blog na ito ay titiyaking kikilalanin. Kung meron mang hindi nabigyan ng karampatang pagkilala, ipagbigay alam po nyo agad sa may-ari.
Sinasadya ng may-ari ang paggamit ng Pilipino bilang pangunahing wika sa pagsusulat at paglalathala sa blog na ito. Ang paggamit sa sariling wika ay isa sa paniniwala at itinataguyod ng may-ari. Sinisuportahan din ng may-ari ang paggamit ng iba pang wika mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.
Ang lahing Pilipino ay ang pangunahing ‘target audience’ ng blog na ito. Sisikapin ng blog na ito na maabot ang mga blogistang Pilipino, nandito man sa Pilipinas o naninirahan/nagtatrabaho sa ibang bansa. Pangunahing tatangkain nitong maabot ang mga kabataan at oFW.
Ang blog na ito ay tumatanggap ng iba’t ibang pamamaraan ng kompensasyon katulad ng “cash advertising’, ‘sponsorship’, ’paid insertions’ at iba pa. Tinitiyak ng may-ari na hindi maiimpluwensyahan ng natanggap na kompensasyon ang kahit anong nilalaman ng blog na ito. Ang lahat ng ads, bayad man o libre, ay bibigyan ng karampatang pagkilala. Pipilitin ng may-ari na tanging ads na naaayon sa paniniwala ng may-ari ang siya lamang lalabas sa blog na ito.
Kung may katanungan o mungkahi, mangyaring sulatan lang ang may-ari sa gomezlaw2008@gmail.com. Maraming salamat po.
Post a Comment
Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?