Website Ribbon Tapat na Tao, Huwarang Pilipino
Loading...
2008-10-23

Tapat na Tao, Huwarang Pilipino

Lathala ni gomezlaw | Thursday, October 23, 2008 | , | 0 comments »

Matapos kong mai-post ang una kong akda, akala medyo matatagalan pa itong masusundan ng isa pang sulatin. Ngunit isang pangyayari ang naganap mismo sa akin para itulak ako bumuo uli ng isang artikulo. Ganapan na maliit lamang para iba pero karadapat na upang humango ng ilang halimbawa at aral sa buhay ng isang Pilipino.

Ako ay naimbitahan ng isang dating kasama sa isang kwentuhan-inuman hinggi
l sa mga bagay-bagay at usaping aming matagal nang pinaplano. Medyo nga ako'y naaliw sa pakikipaghuntahan sa aking kasambahay at nalimutan ang usapan kaya na-late na rin akong dumating sa takdang oras. Ngunit siempre inuman kaya't nagkaantayan at nagkaabutan din naman.

Masaya at malaman ang aming naging usapan. May binalikan kami sa aming mga dating plano, nasuri namin ang mga naging kakulangan at nagkaroon ng mga resolusyon upang mahabol at matuloy pa ang mga balakin. Naganap ang mga usapan sa harap ng ilang boteng San Miguel Lights habang may mga background music.

Habang gumaganda ang usapan at lumalalim ang gabi, tumatama na rin ang inumin. Konti lang naman ang aming nainum pero medyo lipas na rin ang kabataan kaya't madali na tamaan. Isa-isang nagpaalam ang mga kabarkada hanggat sa dalawa na lang kaming natira. As always, nag-last for the road and the canal na rin kami. Binayaran na ang bill at tumungo na sa labas ng inuman.

Uwian na sana, kaso nagyaya pa aking kasama na magpababa muina daw kami ng tama kaya't dumaan muna kami sa isang kainan na nagseserve ng mainit na sabaw ng baka. Ang sarap ng sabaw! Ang sarap din ng pagkain! Talagang nakababawas ng tama. Tapos kumain, finally naghiway na rin kami.

Sumakay na ko ng taxi. Pagdating sa tapat ng bahay, pinahinto ko na ang taxi at dinukot ang aking pitaka upang magbayad. Presto! Wala ang aking wallet. Wala akong pambayad ng taxi. Hinanap ko sa loob ng taxi, baka kasi nahulog lang pero wala talaga. Ano pa gagawin ko? E de komatok na lang at nangising ng mga kasambahay. Mabuti may naligaw na angel sa bahay at pinahiram ako ng pambayad sa taxi.

Grabe! Buong gabi akong nagmamaktol. Cursing and fault finding except me of course! Anyway, nadoon ang anghel at saviour ko para ako i-pacify at paalalahanan na may kapalit daw ang lahat ng nawawala, doble pa. Kaso mainit ang ulo kaya walang pumasok sa kokote ko sa kanyang mga salita.

Kinabukasan, nagkaroon na ko ng acceptance na nawala na talaga ang perang pinaghirapan ko't nilaan na pambayad sa mga utang ko. So, hahahanap na lang uli. Tuloy na uli ang buhay. Noong medyo humahapon na, naisip ko puntahan ang bar na pinanggaligan namin at mula roon ay baybayin ang mga sumunod na pinuntahan namin. Kaya lang nanigurado ako kaya hinanap ko muna sa internet ang telephone number ng bar. Buti na lang at meron. Sa isip ko di ko na ito makikita pero sa isang bahagi nito nagbabakasakali lang at wala namang mawawala kung subukan.

Tinawagan ko ang bar. May sumagot, nagpakilala ako at sinabi ko ang aking pakay. Nagtanong ang aking kausap sa mga kasama niya (opening shift kasi sya at closing naman ung nagserve sa amin kaya di nya tiyak ang mga pangyayari). Pinasa ang telepono sa kasama, tinanong ang pangalan ko sabay bigkas ang magic word na "nandito nga sir!" Yon lang at sinabi ko na pupunta ako upang kunin ito. Binababa ko na agad ang telepono. Di ko nakuha na magtanong pa ng iba.

Gumayak na agad ako at tinungo ang bar. Pagdating ko sa bar. Nagpakilala ako at tinawag ang nakadampot na emplayado. Kinuha nya ang wallet at binalik sa akin sabay sabi na paki-check sir kung kompleto. Kompleto naman! Sinabi ko sa nakakuha na pasensya na at wala akong pwede ibigay na kahit ano dahi nga pambayad lang yon ng utang. Sumagot sya na di naman kailangan dahil kasama sa trabaho nya yon. Nagpasalamat na ako at nagpaalam na. Nagbahabol sya ng salita"basta sir balik lang kayo dito palagi".

O di ba kakataba ng puso? May mga Pilipino pa na honest sa kapwa at tapat sa trabaho! Ang bar----KYUSINERO. Matatagpuan ito sa kahabaan ng Matalino street sa likod ng QC City Hall.
Tangkilikin natin ang KYUSINERO! Tangkilin natin ang sariling atin!


Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?