Website Ribbon Kampanyang 50-50
Loading...
2008-10-23

Kampanyang 50-50

Lathala ni gomezlaw | Thursday, October 23, 2008 | , | 0 comments »

Pano ka ba makatutulong bilang isang ordinaryong mamamayan sa pagbabago ng ating bayan?

Nitong mga huling araw, mayroon akong natanggap na artikulo mula sa isang NGO na nangangampanya upang wakasan ang kahirapan sa buong mundo- ang Global Call to Action Against Poverty-Philippines. Naglalaman ito ng limampong maliliit na hakbang kung papaano makakabawas sa kahirapan sa Pilipinas.

Maganda ang mga hakbanging sinasaad ng artikulo. Humihikayat sa bawat nakatanggap ng artikulo na mangako na tutupad sa kahit isa sa limampong punto. Siguro mas maganda kung ilakip ko na lang dito ang artikulo.

Check the menu below. Tick things you can commit to for at least 50 days.

Environment (Kapaligiran)
1. I will recycle my waste. (Magre-recycle ako ng aking basura)
2. I will practice waste segregation (Paghihiwa-hiwalayin ko ang aking basura).
3. I will bring my own bag to the market or the grocery. (Magdadala ako ng sariling bag o
bayong sa pamamalengke o sa grocery).
4. I will use the backside of used papers as scratch pad for notes. (Gagamitin ko ang likod ng mga nagamit ng papel bilang scratch pad).
5. I will place my litter in the garbage bin. (Ilalagay ko ang aking kalat sa basurahan).
6. I will join tree planting activities. (Sasali ako sa pagtatanim ng mga puno).
7. I will stop smoking. (Titigilan ko na ang paninigarilyo).
8. I will unplug appliances not in use. (Bubunutin ko sa saksakan ang mga kasangkapang hindi ginagamit).
9. I will turn off the lights when not needed. (Papatayin ko ang ilaw kapag hindi kailangang gamitin).
10. I will use a drinking glass when brushing my teeth. (Gagamit ako ng baso sa pagsisipilyo).
11. I will use pail in watering my plants. (Gagamit ako ng timba sa pagdidilig ng halaman).
12. I will use rag in cleaning the car and not allow the water running. (Gagamit ako ng basahan sa paglilinis ng sasakyan at hindi hahayaan na tumutulo ang tubig).
13. I will make sure my pets are clean and safe. (Titiyakin ko ang kalinisan at kaligtasan ng aking mga alagang hayop).
14. I will make sure the car is in good running condition so as not to emit fumes. (Titiyakin ko na hindi mausok ang aking sasakyan).
15. I will plan my itinerary everyday to save on gas. (Paplanuhin ko ang aking mga pupuntahan araw-araw para makatipid sa gas).
16. I will turn-off my computer monitor every time I need to leave my work station for a short time. (Isasara ko ang computer monitor tuwing iiwan ko ang aking kompyuter).
17. I will use refillable drinking bottle instead of buying a new one everytime. (Gagamit ako ng
ng refillable drinking bottle sa halip na bumili palagi).
18. I will write to my local government officials to affect practices that will help protect the
environment (Susulat ako sa mga opisyal ng pamahalaang lokal para magpatupad ng mga proyekto na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan).
19. I will support activities and initiatives that will help protect the environment. (Lalahok ako sa mga pagkilos na tutulong sa pangangalaga ng kapaligiran).
20. I will not use non-biodegradable materials like “styro” and plastic food packaging. (Hindi ako gagamit ng non-biodegradable materials katulad styro at plastic).
21. I will leave home early and walk short distances instead of using the car. (Aalis ako ng maaga at maglalakad kung malapit lang ang pupuntahan sa halip na magkotse).
22. I will cook just enough food for the family and avoid wastage. (Magluluto ako ng sapat sa pangangailangan ng pamilya at iiwasan ko ang pag aaksaya).
Hunger (Gutom)
23. I will feed a hungry child for at least one meal everyday for 50 days. (Pakakainin ko kahit minsan isang araw ang isang nagugutom na bata sa loob ng 50 araw).
24. I will buy more organic food products. (Mas tatangkilikin ko ang mga pagkaing organic).
25. I will buy healthier food items like vegetables and fruits. (Mas bibili ako ng gulay at prutas).
26. I will write to Congress for urgent measures to alleviate the plight of the poor and the hungry. (Susulat ako sa Kongreso para sa mga batas na makakatulong sa mahihirap at mga nagugutom).
27. I will write to my local officials to implement projects to fight poverty and hunger.(Susulatan ko ang mga local na opisyal sa amin para magpatupad ng mga proyekto laban sa kahirapan at gutom).
28. I will organize feeding programs and soup kitchen in our locality. (Magpapasimula ako ng programa sa pagpapakain sa aming lugar).
29. I will donate my loose change from the grocery to the fund-raising campaign alkansyas. (Ibibigay ko ang sa fund-raising alkansyas ang mga baryang sukli ko sa grocery).
30. I will grow herbs and green vegetables even in used cans and pots. (Magtatanim ako ng mga halamang gulay kahit sa mga gamit ng lata at
paso).
31. I will buy Fair Trade Goods because the proceeds go to poor farmers. (Bibili ako ng mga fair trade goods dahil ang kinikita nito ay babalik sa mga magsasaka).
Maternal Health
32. I will help promote breastfeeding. (Tutulong ako sa pangangampanya para sa pagpapasususo).
33. I will do volunteer work in barangay health centers to help mothers and their babies. (Tutulong ako sa mga barangay health centers sa pangangalaga ng mga nanay sa kanilang mga anak).
34. I will write my local government officials to improve maternal health services in our area. (Susulat ako sa aming lokal na pamahalaan upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa aming lugar).
Education
35. I will teach poor children in the neighborhood with basic literacy skills for a month. (Magtuturo ako sa mga bata sa aming lugar ng pagbabasa at pagsusulat sa loob ng isang buwan).
36. I will donate old/used books to public schools. (Magbibigay ako ng lumang libro sa pampublikong paaralan).
37. I will coordinate with concerned NGOs and government institutions for volunteer work concerning education. (Makikipagugnayan ako sa mga NGO at institusyon ng gobyerno para sa volunteer work na may kinalaman sa edukasyon).
Children
38. I will participate in the activities celebrating Children’s Month in October. (Lalahok ako sa mga gawain sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata sa Oktubre).
39. I will sponsor a child through World Vision. (Mag-iisponsor ako sa isang bata sa pamamagitan ng World Vision).
40. I will report to the police and to our local government officials issues of violence against children in our community. (Ipagbibigay alam ko sa pulis at sa aming lokal na pamahalaan ang mga karahasan laban sa mga bata).
41. I will support the Anti-Child Sex Tourism Campaign. (Susuporta ako sa Anti-child Sex Tourism campaign).
42. I will support programs to bring child laborers back to school. (Susuporta ako sa mga programang magbabalik ng mga manggagawang mga bata sa paaralan).
Others
43. I will invite more people to participate in 50-50 campaign. (Mag- iimbita ako ng ibang tao na makikilahok sa Kampanyang 50-50).
44. I will volunteer to distribute brochure and other materials for the 50-50 campaign. (Tutul;ong ako sa pamamahagi ng brochure at iba pang materyales para sa 50-50 campaign).
45. I will participate in Stand Up Take Action against Poverty and Inequality on October 17 and Stand Up and recite the Pledge at 3:00 PM. (Sasali ako sa sa Stand Up Take Action against Poverty and Inequality sa Oktubre 17 at ipapahayag ko ang Pangako ng nakatayo sa ganap na 3:00 ng hapon).
46. I will mobilize more people to stand up on October 17. (Mangangalap pa ako ng iba pang taong sasali sa Stand Up sa Oktubre 17).
47. I will organize my own Stand Up event and register this with World Vision/GCAP so that we will be counted as among those who participated in Stand Up. (Mag-oorganisa ako ng sarili kong Stand Up event at irerehistro ko ito sa World Vision/GCAP para mapabilang).
48. I will join in all activities from October 17 to 19
during the International Day of Action Against Poverty. (Sasali ako sa lahat ng pagkilos mula Oktubre 17-19 sa Pandaigdigang Araw ng Pagkilos laban sa kahirapan).
49. I will join GCAP-Philippines or other organizations that work for the eradication of Poverty. (Lalahok ako sa GCAP-Philippines o iba pang organisasyon na kumikilos para wakasan ang kahirapan).
50. I will sign online petitions to end poverty and inequality. (Pipirma ako sa mga petisyon na humihinging wakasan ang kahirapan).

Ito na lahat yon. Ano tingin nyo? Kaya nyo ba kahit isa dito?

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?