Website Ribbon Usapang Halalan 2010
Loading...
2008-10-28

Usapang Halalan 2010

Lathala ni gomezlaw | Tuesday, October 28, 2008 | , | 7 comments »

Dalawang (2) araw na nang huli akong nagsulat ng isang akda. Medyo naging abala ako sa pag-aayos ng panlabas na anyo ng aking blog. Nakalimutan ko na mas mahalaga ang nilalaman kaysa sa pabalat nito. Kaya eto na ulit ako at nagpipilit na naman na makabuo ng isang artikulo. Sana maging kaayaya ito para mga mga mababasa.

Napakaraming paksa sa utak ko na nais ko sanang talakayin. Kaya lang dahil na rin kasalatan ko ng kasanayan sa pagsusulat, mas mabilis ko itong nalilimutan kaysa masimulan man lamang na isulat ito. Pero habang ako’y abala nga sa pag-aayos ng anyo ng blog, mayroon akong nabasang mga tala(post) na nagpukaw ng aking interes sa naturang paksa – ang darating na halalang pambansa sa taong 2010. Ang tagal pa no? Pero pinag-uusapan na. Ibig sabihin mahalaga o maraming interesado dito.

Bakit nga ba maraming nahahaling sa usaping ito? Alam kasi natin na ang halalan sa ating bayan ay ang “pinakamahalaga”, pinakamahaba, pinakamagarbo, “pinakamasaya”, pinakamaruming, pinakamagulo at pinakamadugong piesta na nagaganap lamang tuwing tatlong taon. At ito’y nakataon parate sa buwan ng mga piesta-Mayo.

Pero, bakit sa ganitong kaaga ay pinag-uusapan na ito? Bakit nga ba? Kung kayo ay nakatutok parati sa radio at telebisyon, mapapansin nyo at tiyak napansin nyo ang mga iba’t info-ads ng mga pulitiko ng magsimula ang taong (2008) ito. Sa totoo lang, may mga pulitiko nga na nagsimula na mangampanya noong halalan 2007 para sa 2010. Kilala nyo ba kung sinu-sino sila?

Ang totoo mga kaibigan, ang mga pulitiko ay di tumitigil ng pangangampanya. Mula sa unang araw matapos ang huling halalan, lahat ng pulitiko(nanalo man o natalo) o nag-aasam maging pulitiko ay nagsisimula na magplano at/o magsagawa ng kanilang kampanya. Siguro sasabihin ng iba ay hindi ito pupwede dahil bawal ito sa batas. Hehehe! Pero alam din naman natin na madali para sa mga taong ito na ikutan ang batas.

Pano nga ba nila ito nagagawa? Lahat ng ito’y nailulunsad nila sa likod ng tinatawag na “serbisyo publiko”, “kawang gawa” o “tulong sa nangangailangan.” Marami pang palusot na ginagamit ang mga pulitiko para maikutan ang batas sa pangangampanya. At isa pa, marami rin talagang butas ang batas na ito kaya napakadaling gawan ng paraan para maiwasan.

Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gimik na pulitiko sa pangangampanya malayo pa o bago pa ang opisyal na simula ng kampanya:
1. Ang pakikibahagi, pag-aakisakaso o pag-aambag sa KBL (Kasal-Binyag-Libing)
2. Mga pagbati o pakikibahagi sa mga taunang okasyon katulad ng Piesta, Valentine, Graduation, Summer Vacation, All Saints Day, Christmas, New Year at iba pa.
3. Mga pagbati o pakikibahagi sa mga palaro, timpalak o paligsahan katulad ng Beauty Contest, Basketball Tournament, Clean & Green Contest at iba pa.
4. Pagtataguyod ng mga Scholarship Program, Training Program, Job Fair, Medical Mission at iba pa.
5. Pagtugon sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan o tao katulad ng kidnapping, bagyo, landslide, pagsabog ng bulkan, baha, problemang ofw, heinous crime at iba pa.
6. Pagtatayo o pagsasaayos ng mga basketball court, waiting shed, kalye at iba pa imprastraktura na kailangan o di kailangan ng bayan.
7. Pagdalo sa mga malakihang pagtitipon ng iba’t ibang sector ng lipunan katulad ng mga El Shaddai rally, protest rally, trade union convention, awards night at iba pa.
8. Padalo sa mga kasayahan ng mga kilalang tao sa lipunan katulad ng birthday party, graduation party, anniversary party at iba pa.
9. Ang walang humpay na pakikipagtunggali sa kapwa pulitiko o kilalang tao sa lipunan.

Ilang lang ito na ginagawa ng ating pulitiko. Sasabihin ng iba ay yan naman ang katungkulan nila at nakikinabang naman ang bayan. Tama pero bakit sa tuwing gagawin nila ito ay todo ang anunsyo sa pamamagitan ng media coverage, malalaking karatula o streamer-banner-poster. Kung talagang tinutupad lang nila ang tungkulin nila, pwede namang wala ang mga ito. Isa pa, dagdag din ito sa gastusin na galing sa mga buwis na binayaran natin. Bakit nila ginagawa ito? Para makintal o di mawala sa isipan ng mga botante ang kanilang pangalan. NAME RECALL ba tawag doon. Di na pamumulitka o pangangampanya na ito.
O sige mga kaibigan hanggang dito na muna. Siguro sa susunod mas maganda pag-usapan kung ano ba ang saysay ng halalan para bayan.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?