Website Ribbon Unang Pagtatangka
Loading...
2008-10-21

Unang Pagtatangka

Lathala ni gomezlaw | Tuesday, October 21, 2008 | , | 0 comments »

Ito ang una kong pagtatatangka na sumulat ng isang akda na walang pagsasaalang-alang sa gabay ng pagsusulat o kung ano man ang sasabihin ng makababasa nito.

Hindi ako isang manunulat. Wala akong kasanayan sa larangang ito. Sa aking pagkaalala, ang huli kong pagsusulat ay nang ako ay nasa kolehiyo pa- isang term paper na rekisito para pumasa sa english 3. Nakatutuwa nga kapag aking binabalikan ang mga panahong yon. May mga bahagi ako ng aking term paper ay direktang hango sa mga references na ginamit ko-plagiarism baga (hahaha!).

Mahina talaga ako sa mga ganitong gawain. Kahit sa aking mga naging trabaho o tungkulin, isa ito sa pilit kong iniiwasan. Kaya kung talagang kailangan, sobrang structured ang aking nagiging estilo sa pagsusulat. Yon bang gumagawa muna ako ng napaka detalyadong outline at pagkatapos ay unti-unti ko itong bubuuin sa mga sentences at paragraph para maging isang akda. Sa totoo lang, napakahirap at napakabagal ng ganitong estilo. Nakakadagdag din ito sa allergy ko sa ganitong gawain.

Ngayon, bakit ko tinatangkang magsulat? Bakit nga ba? Wala naman akong maisip na paksa? Pano ako gagawa ng outline kung walang paksa? Mantakin ko mang isipin para akong nagsasayang ng panahon sa ginagawa ko.

Pero seryoso, siguro kaya ko naisip magsulat ay dahil ito sa aking miniminting website na kung saan wala masyadong orihinal na artikulong sinusumite para ilimbang sa website. In short, wala masyadong contributing writer. Siempre, alam naman natin na para dumami ang mga mambabasa ng isang website, kailangan parating may mga bagong mababasa sa isang website.

Ngunit hindi naman ako bahagi ng website, pwede ba akong magsulat dito? hindi! Kaya nga dito napunta ang sinulat ko at hindi sa loob ng minimintini kong website. So ano nga talaga? bakit nga ba ako naghihirap magsulat? Ang tunay sigurong dahilan ay gusto kong i-challenge ang sarili ko. Nais kong tangkain na pangibabawan ang aking kahinaang ito.

Marami na rin akong nabasang blog dito sa internet na para lang mga diary entries o personal account lang sa kung anu-anong bagay o pangyayari. May mga blog din naman na seryoso at parang featured article ang pagkakasulat. Ito siguro ang nagtulak sa akin na pwede akong magsimula sa pagsusulat ng mga personal account muna hanggang siguro makuha ko na ang kasanayan na makapagsulat ng mga seryosong artikulo. Naniniwala naman ako sa practice makes perfect na kasibihan e. Kung ganoon, bakit nga ba hindi ko subukan? Bakit nga ba hindi?

At presto! Ito na! Sinubukan ko na! Ops, mukhang okay naman kaya lang siguro nga makababasa nito, hindi ko alam kung ano ang value nito sa kanila pero nevertheless nakabuo pa rin ako ng isang sulatin. Medyo napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko rin magsulat bagamat siguro hindi ito kagandahan at wala itong masyadong saysay para sa iba.

O sige hanggang dito na muna. Salamat sa mga natiyaga na basahain ito. Sa susunod, tatangkain kong magsulat ng mas maayos at may saysay. Ingat kayo!


Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?