Website Ribbon "Euro Generals"
Loading...
2008-10-25

"Euro Generals"

Lathala ni gomezlaw | Saturday, October 25, 2008 | , | 0 comments »

Nakikinig ka pa ba ng radyo? Ako kasi tuwing umaga halos routine ko na makinig ng tambalang F&S. Nakakatuwa! Nakakaaliw! Marami ka ring mapupulot na bagong balita o usapin. Ang pinakahuli ay itong tungkol sa mga "euro generals". Ayos ano? Pwedeng titulo sa isang pelikula.

Pero, ano nga ba ang totoo hinggil dito? Kung babalikan natin, ito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Walong pinakamatataas na opisyal ng PNP ang dumalo sa 77th Interpol General Assembly sa Moscow. Pauwi na sila nang masabat sa airport ng Russia kay retired General dela Paz (dating comptroller ng PNP) ang P6.9 million (105 thousand euros). Pinigil sila at pansamantalang dinetine dahil lagpas ito sa $3000 na limitasyon sa bawat lalabas na pasahero. Ang mga sumunod na pangyayari ay parang bomba na sumabog sa mukha ng Pilipinas.

Ang sumusunod na datos mula bruhaha na ito:
> P2.3 million - nilabas na budget para sa gastusin ng buong delegasyon. Aprubado ng PNP at DILG Chief Puno.
> P6.9 million - "contingengy fund". Walang budget item para sa contingency fund sa budget ng PNP. Di aprubado ng PNP at DILG, wala ring patunay na lumabas ito sa bangko. Cold cash at walang paper trail ang pera.
> Ang P6.9 million ay di rin ideneklara sa paglabas ng airport dito sa Pilipinas. Walang katunayan na lumabas ito sa Pilipinas.
> Pinapalitan ang P6.9 million sa isang maliit na money changer sa Maynila nang utay-utay. Hindi alam kung sino ang nakipagtransaksyon sa bahagi ng PNP.
> 8 ang delegado ng PNP. "One country one vote" ang pinapatupad ng Interpol kung may kailangan desisyunan. Walang kinalaman ito sa dami ng delegasyon.
> 4 general's wives accompanied the delegation (including Mrs. Versoza who's husband is not part of the dellegation) . Personal na gatusin daw ito ng mga heneral.
> Karamihan sa mga delegasyon, kundi man lahat ay lagpas na gulang na 45. May patakaran ang PNP na dapat di tataas sa gulang na 45 ang lahat na dadalo sa mga pagsasanay o komperensya sa ibang bansa para mapakinabangan pa ito ng mas mahabang panahon ng kapulisan.
> Hanggang sa kasalukuyan, di masabi ng chief PNP at DILG kung san galing ang P6.9 million? Walang maipresentang katunayan na ito ay galing sa pundo ng PNP.

Marami akong katanungan sa mga datos. Una, sa harap ng lumalalang krisis pinasyal ng mundo, tumitinding kahirapan at tag-gutom dito sa Pilipinas at kakulangan sa mga gamit at sweldo ng ating kapulisan, kailangan bang gumastos ng P2.3 million para sa isang komperensya?

Ikalawa, triple ang laki ng sinasabing contingency fund kung pagbabatayan ang aprubadong budget. Di ba normally 10-15% lang ang contingency fund?

Pangatlo, bakit cash ang dala samantalng pwede naman ang bank-to-bank money transfer kung aprubado naman ang paggagamitan. Modern technology na tayo ngayon di ba? Katakot naman na may bitbit kang ganyang kalaking pera. Buti di naisnatch. Hehehe

Ikaapat, paano nakalabas ng airport ng Pilipinas ang P6.9 million ng hindi idenedeklara. Pwede pala ito. Ano ito palakasan? O baka naman sadyang di niya dala ang pera ng lumabas sya sa airport dito?

Ikalima, bakit sa isang maliit na money changer pinalitan ang pera? Di ba dapat pag opisyal na transakyon sa bangko mas maayos? Naliliitan ba kayo sa palitan sa bangko o masyadong marami pang rekititos sa bangko? Baka naman konektado ang money changer sa isa kanila? Sino ba ang nagpapalit ng pera? O baka naman, palabas lang talaga ang paglutang ng money changer?

Ikaanim, bakit naman kailangan walo pa ang dumalo? pwede namang isa lang o dalawa para may alternate siguro. Rekisito ba sa komperensya ang walong delegado? Pwede naman siguro gamitin ang mga modernong teknolohiya katulad ng teleconferencing kung kailangan para makatipid.

Ikapito, kailangan ba talagang sumama ba ang kanilang mga asawa? Sabi sa sosyal daw, pero uunahin pa ba natin ang sosyalan sa harap ng tumitinding krisis sa ating bayan. Baka mas maayos kung binigay na lang ang mga asawa ung ganilang ginastos sa mga proyekto sa kawang gawa. Natulungan pa sana ang image ng kapulisan. Bakit naman pati si Mrs. Versoza ay kasama, ganung si chief PNP ay di kasapi. Sya ba ang substitute?

Ikawalo, bakit puro halos pa-retire na ang pinapunta? Wala bang karapat dapat sa hanay ng pulisya na mas bata na may kakayanan para irepresenta ang PNP? Baka naman wala kayong tiwala sa mga nakababatang opisyal? O baka naman di talaga ang komperensya ang habol kundi bakasyon grande? hehehe.

Ikasiyam at panghuling mga katanungan para sa mga bosing ng PNP at DILG, bakit hindi nyo alam ang nangyayari sa inyong departamento? Sumasabog na ang isyu, di pa rin kayo kulmikilos.
Bakit mukhang binibigyan nyo yata ng proteksyon ang inyong kabaro kahit na sa harap ng kitang kita na maling ginawa niya? Ganyan ba talaga ang kalakaran dito sa atin? May maaasahan pa ba ang sambayanan sa inyo?

Aba, kung di nyo kayang patakbuhin ang mga departamento nyo, baka mas maganda para sa bayan na magsipagresayn na kayo!

Huli na lang, Gng. Pangulo, ano po ang inyong ginagawa at mukhang natutulog kayo sa pansitan.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?