Website Ribbon Pilipino Bilang Isang Wika sa Internet
Loading...
2008-10-26

Pilipino Bilang Isang Wika sa Internet

Lathala ni gomezlaw | Sunday, October 26, 2008 | | 0 comments »

Nasubukan mo na bang sumulat ng isang akda rito sa internet sa wikang Pilipino? Diretsong Pilipino, yon bang wala kang gagamiting salitang banyaga. Mahirap di ba?

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, marahil talagang napakahirap gawin ito. Eto nga lang ng sinusulat ko gamit ang Microsoft Word, halos lahat ng salita ay may salungguhit(underline). Ibig sabihin, wala sa diksyunaryo ng Word ang mga salitang ito. Yong iba, walang salungguhit dahil kundi talagang nasa diksyunaryo nya ay may kahalintulad na salitang English ngunit iba ang pakahulugan(meaning) nito.

Marami talagang salitang banyaga o di Pilipino sa ngayon ay walang direktang salin(translation) sa wika natin at kung mayroon man, ito pinagdugtung-dugtong na salita at lumalabas na napakahaba’t napakahirap lalong gamitin.

Isa pa, lahat ng software o program na ginagamit dito sa internet ay walang salin sa wika natin o di siya nai-angkop sa pangangailangan para gumawa ng isang bagay na gamit ang wika natin.
Sa totoo lang, di naman ito ang suliranin. Kung titignan natin sa ating saligang batas, Pilipino ang nakasaad ng pangunahing wikang paggamit natin na pangunahing nakabase sa lingua franca na ginagamit sa Metro Manila at may karagdagang mga salita mula iba’t ibang wika sa buong Pilipinas. Kung tutuusin, napakarami nating wikang taal dito sa Pilipinas na pwedeng paghanguan ng ating pangunahing sariling wika. Mayroon din tayong sangay ng pamahalaan na siyang nangangasiwa sa pagpapaunlad ng wikang Pilipino.

Ang tunay na problema ay ang sistema ng Pilipinas sa paggamit at pagtangkilik sa sariling wika. Kahit na kompleto tayo mga rekisito para gamitin ang wikang Pilipino, halos sa lahat ng larangan ng buhay Pilipino ay English ang pangunahing ginagamit o kundi man, ito ang tinatanging(preferred) wika.

Mula sa daigdig ng negosyo, telebisyon, pahayagan at iba pa, English ang kadalasang gamit. Ang mabigat pa dito ay pati ang paaralan at pamahalaan, ito rin ang pangunahing tinatangkilik at itinutulak gamitin. Ang dahilan nila English daw ay universal language. Ito raw ay wika ng pag-unlad. Marahil alam naman natin na di ito totoo. Kailangan lang natin tignan ang katabing bayan natin na maunlad at umuunlad ngunit sariling wika nila ang gamit.

Ang suliraning ito ay natatangi sa ating bayan. Habang ang iba’t ibang bansa ay puspusang pinauunlad ang kanilang sariling wika, pinipilit naman nating patayin ang sariling wikan natin. Hindi naman ang ibig sabihin ng paggamit ng Pilipino bilang pangunahing wika ng bayan ay di na pwedeo kakalimutan na natin ang English at iba pang dayuhang wika. Maaari naman itong aralin at gamitin batay sa pangangailangan. Dapat malinaw lang na Pilipino ang opisyal na wika ng Pilipinas at dapat gamitin sa lahat ng larangan ng buhay Pilipino.

Ito ang suliranin ng Pilipino bilang wika. Ngayon balik tayo sa internet at wikang Pilipino. Dito sa internet, kung mapapansin natin kapag usaping laguange translation, wala ang Pilipino at mayroon lang ay English(Philippines). Di ba?

Bakit ganito? Tignan natin ang mga website o blog na pag-aari ng Pilipino. Di ba English din ang gamit. English na rin ang tinatanging wikang nais gamitin sa komunikasyon kahit pa di ito diretsong English o tagalish. Ang dahilan? Ang internet daw ay world wide web o internasyunal kay mas madali itong maiintidihan at mahahanap ng mambabasa kapag englisg ang gamit. Kaya lang, kung gagala(surf) sa loob ng internet, marami kang mabubuksan na site na wika nila ang gamit-Korean, German, EspaƱol at iba pa. Kaya nga dumadami ang language translation widget.

Ano ang kailangan? Kailangan maraming gumamit ng wikang Pilipino sa mga blog, website at akda nila. Kapag dumami ito sa isang kritikal na bilang, mapipilitang may gumawa ng paraan na mapasok ang Pilipino sa mga language translation gadget. Parang usapin lang yan ng Law of Supply and Demand. Pag may demand, sumusulpot ang supply. Sapat ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng internet para magkaroon ng demand. Kung kaya mga nating ilagay ang Puerto Prinsesa Underground River, Chocolate Hills, Tubbataha Reef at Mayon volcano sa Top 10 ng New 7 Wonder of Nature, KAYA DIN NATIN GAWIN ITO SA WIKANG PILIPINO.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?