Loading...
2009-01-12
Pilipinas, tiyak na babayuhin ng Krisis!
Lathala ni gomezlaw | Monday, January 12, 2009 | Ekonomiya | 3 comments »Patindi ng patindi ang hagupit ng krisis pinansyal sa buong mundo. Maraming bansa na ay binabayo ng naturang krisis. Pangunahing nasapol ang mga mayayamang bansa na malaki ang nakalagak na kapital sa sektor ng pagmumuhunan at pagpapautang katulad ng Amerika at Britanya. Tinatamaan din ang sektor ng pagluluwas ng mga kalakal (export industry). Ang paghagip ng krisis sa mga naturang sektor ay kakalat pa sa ibang sektor ng ekonomiya ng bansa. Parang bumabagsak na mga domino ang kahahatungan buong ekonomiya ng mundo kung hindi ito maaabatan.
Ang laki ng epekto sa isang bansa nang nasabing krisis ay nakadenpende sa tindig at lakas ng sariling ekonomiya. Kung ang ekonomiya ng isang bansa ay nakaasa sa mga pangunahing bansa o sektor ng ekonomiya na binabayo ng krisis, tiyak na makakaranas din ito ng matinding hagupit. Ang tanging tanong na lang ay kung kailan nito mararanasan ang bagsik ng hagupit ng krisis. Kung ang isang bansa naman na may relatibong tindig at hindi masyadong nakasandal sa mga pangunahing bansa o sektor ng ekonomiya na hinahagupit ng krisis, malaki ang posibilidad na hindi ito gaano maapektuhan ng lumalalang krisis ngunit hindi rin tataas ang antas ng kanyang ekonomiya. Tanging ang mga bansa laman na may industriya o ekonomiya na pangunahing tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mamamayan o nasasakupan ay ang tiyak na makakaligtas sa nasabing krisis.
Ang tanong: tatamaan ba ang Pilipinas o maliligtas ba ito?
Ang sagot: tiyak yon! na sapul na sapul ang Pilipinas. Ika nga, BULL’S EYE na BULL’S EYE!
Kung bakit? Ito ang sagot:
1. Ang Pilipinas ay walang masasabing batayang industriya na tumutugon sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan. Ang mayroon tayo ay mga “support industry” o “spin-over industry” sa “basic industry”. Halimbawa: Wala tayong sariling pagawaan ng kotse o anumang batayang transportasyon. Ang mayroon tayo ay assembly plant na kung saan ang mga yaring bahagi ay mula pa sa ibang bansa. Mayroon din nga pala tayo ditong mga EPZA na pangunahing tutmutugon sa pangangailangan ng ibang bansa. Pano na ngayon kung humina na rin ang ekonomiya nila at hindi kailangan ang mga ginagawa sa EPZA?
2. Ang ekonomiya natin ay import-driven. Kung hindi lahat, karamihan sa mga pangunahing pangangailan ng ating mamamayan ay inaangkat pa natin. Ang mabigat pa nyan, ang bigas na dati natng niluluwas ay inaangkat na rin natin. Pati nga sibuyas na mayroon naman dito ay inaangkat na rin natin. Kung mayroon man tayong niluluwas, ito ay mga hilaw na yaman ng ating bansa katulad ng langis, mina, mangga, tuna at iba pa.
3. Ang Pilipinas ay matagal ng nakasandal sa pawis ng OFW. Ito ang pangunahing sumasalba sa bangkaroteng ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit papaano na ngayon kung ang mga pangunahing destinasyong bansa ng mga OFW ay humihinana rin ang ekonomiya? Katulad ng nangyayari sa Taiwan.
Ilan lang ito sa mga puntos kung bakit tiyak na tatamaan ng krisis ang Pilipinas. Ang mabigat nito ay nasa “state of denial” ang pamahalaan. Sa halip na sentruhan ang pagtatayo ng sariling batayang industriya o mga pagawaan para sumalo sa mga mawawalang ng trabaho, ipinagpipilitan pa rin nito ang “export of labor” policy nito. Ang kawalan ng mga wasto at kongkretong solusyon sa rumaragasang krisis ng pamahalaang Arroyo, ang matitiyak ng ibayong paghihirap sa mamamayang Pilipino.
Ako naman po ito at ito ang aking isang sentimong pananaw!
Share and Enjoy!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment
Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?