Kahirapan: Ang Yaya ng Bawal na Gamot
Lathala ni gomezlaw | Tuesday, December 30, 2008 | Droga, Panlipunan | 5 comments »Kung seryoso ang mga lider ng ating bayan na sawatain ang droga, pagtuunan natin ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mamamayan. Bigyan natin ng diin ang kagalingan ng ating kababayan. Suportahan natin at paramihin ang mga negosyong pag-aari ng Pilipino. Pataasin natin ang sahod ng ating mga manggagawa habang pinababa ang presyo ng mga bilihin. Mahirap itong gawin ngunit ito ang daan palabas sa daigdig ng droga.
Share and Enjoy!
Pandinig sa Senado Papunta sa Kawalan
Lathala ni gomezlaw | Friday, December 26, 2008 | Korapsyon, Pulitika | 0 comments »"Cha-Cha at Gloria, Ibasura!"
Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 25, 2008 | Pulitika, Saligang Batas | 0 comments »Sangkatutak na Isyu sa Panahon ng Kapaskuhan
Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 25, 2008 | Pagsusulat | 0 comments »Gayun pa man, sisikaping kong makapaglabas pa rin ng aking pananaw sa mga nangyari. Kung hindi sa lahat ng usapin, kahit pinakamalalaki at pinakamahahalagang isyu ng bayan. Sabi nga “huli man ay magaling, naihahabol din”. Bukod pa mga mayor na usaping nakakaapekto sa ating bayan, marami rin akong naputahang pagtitipon na mamaaring kapulutan ng aral at pwedeng ibahagi sa aking mga tagasubaybay.
Siguro para na lang hindi ko makalimutan ang nais kong isulat na artikulo, ililista ko na lang ito dito upang maging gabay ko sa paglikha ng mga akda. Ang mga sumusunod ay ang pangyayaring nais ko sanang gawan ng mga artikulo at ilathala dito sa aking blog: ang anti-chacha rally sa Makati, ang walang katapusang pandinig sa senado hinggil sa fertilizer scam, ang terrorist attack sa Mumbai, ang pambabato ng sapatos kay pangulong Bush ng Amerika, ang pamaskong pamimili ng mga regalo sa mga Divisoria, ang mga pagsabog sa Iligan City at pinahuling SWS survey sa taong ito hinggil sa kahirapan.
Marami akong pwedeng idagdag sa listahan katulad ng binabanggit kong mga pagtitipon na aking nadaluhan, ang mga karanasan ng aking mga kaibigan sa panahong nabanggit at pananaw ng kasama ko sa krisis na dumadagok sa buong mundo. Nandya din, ang mga espektasyon at pangako sa darating na bagong taon. Grabe! Ang dami talagang pwede isulat. Ngunit ito muna ang kaya kong isulat sa ngayon-isang listahan.
Alam ninyo, kung mayroon akong natutunan sa yugtong ito ng aking buhay hinggil sa pagsusulat, ito ay ang lahat ng bagay ay natutunan at nagbabago. Ang kailangan lamang ay bigyan natin ito ng tamang panahon at konsentrasyon. Kailangan ding matuto tayong umangkop at tumanggap ng ating mga kakakulangan upang mabago natin ang ating mga pagkakamali.
Kaya minarapat ko na ring isulat ang ganitong karanasan upang magtuloy-tuloy ang diwa ng pagtugon sa pamamagitan ng pagsusulat. Nais ko ring ipaliwanag at maunawaan ng mga mambabasa ang kawalan ng mga bagong artikulo sa aking blog. Sa ganitong paraan nasimulan ko uli dumaloy ang adrenalin ko sa pagsusulat.
Sana aking karanasan ay nakatulong sa ibang blogger na tulad ko. Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Maligayang Pasko at Mapagpalayang Bagong Taon sa inyong lahat.
Share and Enjoy!
Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao
Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 11, 2008 | Internasyunal, Pulitika | 0 comments »Share and Enjoy!
Ang Halaga ng Buhay ng Isang Tao
Lathala ni gomezlaw | Wednesday, December 10, 2008 | Panlipunan | 1 comments »Sasabihin ninyo siguro, ano naman ang kakaiba dito? Natural naman ang mag”fund-raising” para sa mga mayroong sakit na kanser. Ang kakaiba dito ay mismong ang maysakit ang siyang nag-umiikot para istimahin ang mga dumalo sa konsierto. Pinapaliwanag at pinapaintindi ang kanyang pinagdadaanan at kung paano niya ito nilalabanan sa araw-araw.
Hanga talaga ako sa katatagan ng loob ng aking kaibigan. Sa gitna ng pinagdadaanan niya, masaya siyang nakikipaghuntahan sa mga bisita. Nagpapayo din siya sa mga dumalo na iwasan ang bagay na magdadala sa isang tao ng sakit na kanser. Kaya ang mga bisita, nagbahagi na rin ng kanilang mga saloobin at suporta sa mga biktima ng kanser.
Dahil na rin sa gantong postura ng maysakit, naging napakasaya ang dinaos na konsierto. Sumasabay sa bawat awitin ang mga bisita. Mayroon ding sumasayaw sa saliw ng mga tutog ng mga “revival music”. Mayroon ding nagboluntaryo pa para maghandog ng kanyang mga awitin. Naging buhay na buhay ang gabi para sa kakaibang pangyayari.
Nguni’t ang kasiyahan ay biglang binalot ng kalungkutan. Isang balita ang dala ng bagong dating na bisita. Isa sa dati naming kasama ang pumanaw tatlong oras pa lamang ang nakakaraan. Pinatay siya ng mga hindi pa nakikilang salarin. Halos lahat ng tao sa konsierto ay kilala ang namatay. Mabilis na nagbigay ng ilang minutong katahimikan ang lahat habang may umaawit ng “leaving on a jet plane”.
Naging madamdamin ang mga bisita. Karamihan sa kanila ay nakatrabaho ang pumanaw. Mismong ang maysakit ay napakalapit sa pumanaw. Talaga naman na hahanap-hanapin mo ang katulad ng isang pumanaw, lalong lalo na’ tuwing mayroon pagdidiriwang ay parati siyang dumadalo at nagbibigay ng kasiyahan sa mga kaibigan. Sa totoo lang, hinihintay siya sa gabing yon nguni’t balita ng kanyang kamatayan ay siyang dumating.
Ang hirap talagang unawain ng buhay. Hindi mo alam kung ano ang maaari mong pagdaanan o kailan ka magpapaalam sa buhay. Mayroong mga taong dumadaan sa napakaraming pang paghihirap bago tuluyang magpaalam. Mayroon din namang bigla na lamang nawawala na simbilis ng kidlat. Mayroong nakakapaghanda at mayroong hindi. Mayroong nakasulit ng buhay at mayroon din namang bumubukadkad pa lang ang pinipitas na.
Siguro hindi mahalaga ang aktwal na usapin kamatayan dahil lahat naman ng mayroong simula ay mayroon ding katapusan. Lahat tayo ay doon din ang tungo. Hindi rin usapin kung gaano ang tagal ng nilagi mo dito sa daigidig. Ang mahalaga ay kung paano mo ginugol ang panahon mo sa mundo. Mayroon bang saysay ang nilagi mo dito? o wala?. Mayroon bang naging pakinabang ang iyong paligid o sangkatauhan sa iyo? o wala?. inuna mo ba ang iyong kapwa? o ang sarili mo lang?. Naglikod ka ba sa iyong bayan? o nakatulong ka pa sa pagpapahirap sa bayan?
Share and Enjoy!
Pacquiao: Bagsak kay Dela Hoya?
Lathala ni gomezlaw | Monday, December 08, 2008 | Boksing, Palakasan | 2 comments »Bakit nga ba marami ang nagulantang sa pangyayari? Bago magsimula ang laban, karamihan sa eksperto ay naniniwala na “mismatch” ang laban pabor kay Dela Hoya. Kaya mga sa pustahan ay 2-1 ang labanan pabor din kay Oscar. Mas marami talaga ang naniniwala na si Dela Hoya ang walang alinglangang magtatagumpay sa boksing nila ni Pacquiao.
Ang tanging kalamangan ni Dela Hoya kay Pacquiao ay tangkad at haba ng abot ng kamao. Ito lamang ang may posibleng epekto sa laban nilang dalawa. Kung magagamit ni Oscar ang ganitong bentahe, mahihrapan si Manny na makalapit o makakonekta ng suntok. Ang iba pang binabanggit na kalamangan ay suhetibong pananaw lamang ng mga naniniwala kay Dela Hoya.
Ang lamang naman ni Pacquiao kay Dela hoya ay edad. Anim na taon ang pagitan ng dalawa. Sa mundo ng boksing, mapagpasya ang edad. Ang bata ay mas mabilis, malakas at maliksi. Dito tunay na masasabi na “mismatch” ang laban pabor kay pacquiao at hindi kay Dela Hoya.
At ito ang pinatunayan sa labanang ito. Panoorin natin ang ika-7 at 8 yugto ng laban ni Manny at Oscar.
Isang Pagtitipon, Isang Kisap ng Pag-asa
Lathala ni gomezlaw | Saturday, December 06, 2008 | Pagdiriwang, Panlipunan | 0 comments »Konstitusyon: Tiyaking Makabayan at Demokratiko
Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 04, 2008 | Pulitika, Saligang Batas | 0 comments »- Magpatawag ng Constitutional Convention. Maghalal ng mga delegado na kakatawan sa mga sector ng lipunang Pilipino. Tiyakin na ang bilang ng mga delegado ay batay sa kabuuang bilang ng sector relatibo sa bilang ng buong populasyon ng lipunang Pilipino
- Isabay ang paghahalal ng mga delegado ng Con-Con sa darating ng halalan sa 2010. Walang palalawiging termino. Ang termino ng lahat ng mga bagong halal ay matatapos batay sa lumang konstitusyon.
- Para sa lalamaning pagbabago, maglunsad ng kosultasyon ang lahat ng representante sa mga sektor na kanilang kinakatawan. Dito matitiyak na ang isusulong ng mga delegado ay ang mga usaping magbibigay ng proteksyon at kaunlaran sa kanilang sektor.
Kayo mga kabayan, ano tingin nyo?
BayaniJuan: Makabayang Proyekto
Lathala ni gomezlaw | Tuesday, December 02, 2008 | Bayan ni Juan, Panlipunan | 1 comments »Isang linggo na nang huli akong nakapagsulat ng isang artikulo. Ang hirap talagang lumikha ng isang akda kung ikaw ay hindi naman talaga manunulat. Kailangan mo ng mas matinding pagsisikap at inspirasyon para lamang makabuo ng isang ordinaryong sulatin. Dito ako kinulang kaya nahirapan akong sumulat kahit sa gitna ng napakaraming ganapan sa ating paligid.
Dahil nga wala naman talaga akong angking kasanayan sa pagsusulat, hindi ko na rin pinilit ang sarili ko at sa halip ay inilagay ang aking panahon sa pagpapaunlad ng anyo ng aking blog kung saan, mayroon akong konting kasanayan. Siguro naman napansin nyo ang mga pagbabago sa kulay at ilang lipatan ng mga widgets.
Isa pang pinakaabalahan ko ay pagbabasa ng mga sinusundan kong blog na may mga paksang pulitikal at panlipunan. Nagbabakasali ako na makakuha ng inspirasyon mula sa mga ito. At ito nga, napadpad ako sa blog na nagngangalang “This Is My Philippines” at napansin ko ang isang artikulo hinggil sa “Bayan ni Juan” ng ABS-CBN.
Sa totoo lang, may relatibong paghanga ako sa ABS-CBN kaysa sa ibang istasyon na nagsasabing sila ay walang pinapanigan. Pabor ako sa posisyon ng ABS-CBN na kumiling sa bayan kesa pumatgitna at walang posisyon sa usaping pambayan. Lalo pang pinatunayan ng ABS ang posisyon nila sa mga news and public service program nila katulad ng Bandila at iba pa.
Ang repackaging at integrasyon ng iba’t ibang programa na may temang serbisyo publiko sa ilalim ng “Bayan ni Juan” at paglalapat dito ng makabayang timpla ay nagpatibay pa sa relatibong paghanga sa ABS. Kaya nang makita ang blog ni Procopio at ang mga reaksyon ditto ng mga kababayan natin, hindi na ko nagdalawang isip na suportahan ito sa pamamagitan ng pag-reprint ng ilang laman ng blog niya.
Hinggil ito sa MTV ng Bagong Simula- ang opisyal na awitin ng Bayan ni Juan. Ito na ta tunghayan natin.
Bagong Simula Lyrics
[Kevin Roy]
Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa, asin lagi ang ulam
umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan
[Yael Yuzon]
lupaing kinalbo minsa’y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
[Mark Abaya]
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos
(CHORUS)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Kitchie NAdal]
wag lang maulit kapalarang kay pait
wag magpabaya wag kang manahimik
wag kang manlalamang, wag kang manggigipit
wag magkanya-kanya, magkaisang bisig
[Yeng Constantino]
Pag malasakit ito’y kabayanihan
gawin mo ano mang makayanan
kalagayan ng baya’y sumasama lamang
kung walang gagawin tayong mamamayan
(Chorus)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Placid]
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Tugma]
[Narration]
Ipakita natin sa ating mga magulang
mga kapatid kaya natin to
isang subok pa, sabay sabay na
walang kokontra, todo na to
(CHORUS)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
Bagong simula ng ating bayan!!!!
(Ang kopya ng lyrics ay galing sa This Is My Philippines) Share and Enjoy!