BayaniJuan: Makabayang Proyekto
Lathala ni gomezlaw | Tuesday, December 02, 2008 | Bayan ni Juan, Panlipunan | 1 comments »Isang linggo na nang huli akong nakapagsulat ng isang artikulo. Ang hirap talagang lumikha ng isang akda kung ikaw ay hindi naman talaga manunulat. Kailangan mo ng mas matinding pagsisikap at inspirasyon para lamang makabuo ng isang ordinaryong sulatin. Dito ako kinulang kaya nahirapan akong sumulat kahit sa gitna ng napakaraming ganapan sa ating paligid.
Dahil nga wala naman talaga akong angking kasanayan sa pagsusulat, hindi ko na rin pinilit ang sarili ko at sa halip ay inilagay ang aking panahon sa pagpapaunlad ng anyo ng aking blog kung saan, mayroon akong konting kasanayan. Siguro naman napansin nyo ang mga pagbabago sa kulay at ilang lipatan ng mga widgets.
Isa pang pinakaabalahan ko ay pagbabasa ng mga sinusundan kong blog na may mga paksang pulitikal at panlipunan. Nagbabakasali ako na makakuha ng inspirasyon mula sa mga ito. At ito nga, napadpad ako sa blog na nagngangalang “This Is My Philippines” at napansin ko ang isang artikulo hinggil sa “Bayan ni Juan” ng ABS-CBN.
Sa totoo lang, may relatibong paghanga ako sa ABS-CBN kaysa sa ibang istasyon na nagsasabing sila ay walang pinapanigan. Pabor ako sa posisyon ng ABS-CBN na kumiling sa bayan kesa pumatgitna at walang posisyon sa usaping pambayan. Lalo pang pinatunayan ng ABS ang posisyon nila sa mga news and public service program nila katulad ng Bandila at iba pa.
Ang repackaging at integrasyon ng iba’t ibang programa na may temang serbisyo publiko sa ilalim ng “Bayan ni Juan” at paglalapat dito ng makabayang timpla ay nagpatibay pa sa relatibong paghanga sa ABS. Kaya nang makita ang blog ni Procopio at ang mga reaksyon ditto ng mga kababayan natin, hindi na ko nagdalawang isip na suportahan ito sa pamamagitan ng pag-reprint ng ilang laman ng blog niya.
Hinggil ito sa MTV ng Bagong Simula- ang opisyal na awitin ng Bayan ni Juan. Ito na ta tunghayan natin.
Bagong Simula Lyrics
[Kevin Roy]
Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa, asin lagi ang ulam
umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan
[Yael Yuzon]
lupaing kinalbo minsa’y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
[Mark Abaya]
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos
(CHORUS)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Kitchie NAdal]
wag lang maulit kapalarang kay pait
wag magpabaya wag kang manahimik
wag kang manlalamang, wag kang manggigipit
wag magkanya-kanya, magkaisang bisig
[Yeng Constantino]
Pag malasakit ito’y kabayanihan
gawin mo ano mang makayanan
kalagayan ng baya’y sumasama lamang
kung walang gagawin tayong mamamayan
(Chorus)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Placid]
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Tugma]
[Narration]
Ipakita natin sa ating mga magulang
mga kapatid kaya natin to
isang subok pa, sabay sabay na
walang kokontra, todo na to
(CHORUS)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
Bagong simula ng ating bayan!!!!
(Ang kopya ng lyrics ay galing sa This Is My Philippines) Share and Enjoy!
Post a Comment
Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?