Loading...
2008-12-25
Sangkatutak na Isyu sa Panahon ng Kapaskuhan
Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 25, 2008 | Pagsusulat | 0 comments »Dalawang linggo na mula ng huli akong nakapaglathala ng aking pananaw sa isang usapin, paksa o pangyayari sa aking kapaligiran. Sadyang napakaraming maaaring isulat sa mga nagdaan na dalawang linggo. Sa dami at bilis ng mga pangyayari para akong nagsilbing simpleng tagamasid lamang sa mga ganapan. Nagulantang ako! Sinisimulan ko pa lang isulat ang isa, myaroon na kaagad na sumambulat na bagong isyu. Sa halip na makabuo ako ng isang artikulo, natigilan ako at natambakan paksang nais kong tugunan.
Gayun pa man, sisikaping kong makapaglabas pa rin ng aking pananaw sa mga nangyari. Kung hindi sa lahat ng usapin, kahit pinakamalalaki at pinakamahahalagang isyu ng bayan. Sabi nga “huli man ay magaling, naihahabol din”. Bukod pa mga mayor na usaping nakakaapekto sa ating bayan, marami rin akong naputahang pagtitipon na mamaaring kapulutan ng aral at pwedeng ibahagi sa aking mga tagasubaybay.
Siguro para na lang hindi ko makalimutan ang nais kong isulat na artikulo, ililista ko na lang ito dito upang maging gabay ko sa paglikha ng mga akda. Ang mga sumusunod ay ang pangyayaring nais ko sanang gawan ng mga artikulo at ilathala dito sa aking blog: ang anti-chacha rally sa Makati, ang walang katapusang pandinig sa senado hinggil sa fertilizer scam, ang terrorist attack sa Mumbai, ang pambabato ng sapatos kay pangulong Bush ng Amerika, ang pamaskong pamimili ng mga regalo sa mga Divisoria, ang mga pagsabog sa Iligan City at pinahuling SWS survey sa taong ito hinggil sa kahirapan.
Marami akong pwedeng idagdag sa listahan katulad ng binabanggit kong mga pagtitipon na aking nadaluhan, ang mga karanasan ng aking mga kaibigan sa panahong nabanggit at pananaw ng kasama ko sa krisis na dumadagok sa buong mundo. Nandya din, ang mga espektasyon at pangako sa darating na bagong taon. Grabe! Ang dami talagang pwede isulat. Ngunit ito muna ang kaya kong isulat sa ngayon-isang listahan.
Alam ninyo, kung mayroon akong natutunan sa yugtong ito ng aking buhay hinggil sa pagsusulat, ito ay ang lahat ng bagay ay natutunan at nagbabago. Ang kailangan lamang ay bigyan natin ito ng tamang panahon at konsentrasyon. Kailangan ding matuto tayong umangkop at tumanggap ng ating mga kakakulangan upang mabago natin ang ating mga pagkakamali.
Isa pa sa mahalagang aral na aking natutunan, hindi sapat ang diwang manuri sa pagbuo ng isang artikulo. Ang pagpapaunlad ng kakayanan at matiyagang pagsisikap ay mahalagang elemento upang makasulat ng isang lathalain. Naging litaw ito sa pinakhuling na kaganapan nang hindi ako nakatugon sa biglaan buhos ng mga pangyayari. Kapuna-puna talaga ang kakulangan ko sa karanasan at kakayanan sa mga ganitong pagkakataon.
Kaya minarapat ko na ring isulat ang ganitong karanasan upang magtuloy-tuloy ang diwa ng pagtugon sa pamamagitan ng pagsusulat. Nais ko ring ipaliwanag at maunawaan ng mga mambabasa ang kawalan ng mga bagong artikulo sa aking blog. Sa ganitong paraan nasimulan ko uli dumaloy ang adrenalin ko sa pagsusulat.
Sana aking karanasan ay nakatulong sa ibang blogger na tulad ko. Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Maligayang Pasko at Mapagpalayang Bagong Taon sa inyong lahat.
Share and Enjoy!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment
Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?