Website Ribbon 2008
Loading...
2008-12-30

Kahirapan: Ang Yaya ng Bawal na Gamot

Lathala ni gomezlaw | Tuesday, December 30, 2008 | , | 5 comments »

“Dismissal of Alabang Boys case 'not the first' says PDEA”, ito ang banner kahapon, ika-29 ng Disyembre, 2008, sa abscbnNEWS.com. Batay sa balitang ito, hindi ito ang unang pagkakataon na ang hinaing kaso laban sa mga gumagamit o gumagawa ng droga ay binasura ng kagawaran ng hustiya. Maliban sa kaso na tinaguriang “Alabang Boys”, dalawa pang malalaking kaso hinggil sa paggawa ng droga ay ganito rin ang sinapit-ang “Pinagsawitan(Pagsanajan, Laguna) Drug Lab Raid” at ang “P300 billion Naguilan(La Union) Drug Lab Raid”
 
Ayon pa rin sa PDEA, kapag nawala na sa headline ng mga balita ang mga kasong ito, binabasura na ito ng DOJ dahil daw sa kakulangan ng ebidensya o mga teknikal na usapin. Nalulungkot din sila dahil hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang ahensya na maiharap ang kanilang ebidensya at testigo sa hukuman. Mabigat din ang loob nila dahil na sa mga suhulan na nangyayari bago pa lamang dumating ito sa pintuan ng hukuman.
 
Ang masama sa mga ganitong pangyayari, mismong ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa kampanya laban sa droga ay unti-unting pinanghihinaan ng loob para pag-ibayuhin ang kanilang kampanya. Ito’y dahil na rin sa nawawalan ng saysay ang kanilang pinaghirapan kapag dumating na sa DOJ, ang ahensya na dapat manguna sa pag-usig ng mga kasangkot sa bawal na gawain.
 
Kapag nagpatuloy ang mga ganitong kaganapan at tuluyang nawalan na ng gana ang PDEA, lalakas ang loob ng mga sindikato ng droga dito sa ating bayan at hindi malayo na matulad tayo sa mga bansang pinatatakbo ng mga drug lord. Ang masaklap dito, darami ng husto ang mga buhay na masisira at mga krimen na resulta ng pagkalango sa pinagbabawal na gamot. Baka umabot tayo sa mas lantarang pagbebenta ng mga droga sa ating lansangan na para lamang na kendi o segarilyo (naalala nyo pa ba ang Pasig tiangge na napakalapit sa city hall).
 
Ngunit bakit ba lumalala ang paggamit ng droga sa ating bayan? Dalawa lang ang nakikita kong dahilan- ang lumalaking kita o ganansya sa kalakalan ng droga at ang lumalalang kahirapan sa ating bayan.  Ang dalawang ito ay magkaugnay at natutulungan para palakihin ang kalakalan ng droga dito sa ating bayan.
 
Dahil na rin sa laki nga ng kita dito, marami ang naaakit na maging bahagi nito- mula sa pagpipinansya ng operasyon hanggang sa aktwal na pagbebenta. Para mayayaman na financier, ang kita sa droga ay mas malaki at mabilis ng 20X. Sabi nga daig mo pa ang tumama sa sweepstake! Para naman sa maliiit na nagbebenta, panggamit lang naman ang karaniwang habol ng mga ito at kung may sobra, ilalagay din sa iba pang bisyo.
 
Ang kahirapan ang mas lalong nagpapalala sa usapin ng droga. Dahil sa hirap ng buhay, marami sa ating kababayan ay nawawalan na ng pag-asa at kumakapit na sa patalim tulad ng droga. Marami rin sa gumamit na droga para hindi maramdaman ang dinadanas na gutom. Habang ang may kahirapan sa ating gitna, mayroon at mayroong batayang para isilang at palakihin ang problema ng droga sa Pilipinas.

Kung seryoso ang mga lider ng ating bayan na sawatain ang droga, pagtuunan natin ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mamamayan. Bigyan natin ng diin ang kagalingan ng ating kababayan. Suportahan natin at paramihin ang mga negosyong pag-aari ng Pilipino. Pataasin natin ang sahod ng ating mga manggagawa habang pinababa ang presyo ng mga bilihin. Mahirap itong gawin ngunit ito ang daan palabas sa daigdig ng droga.
 
Pagdamutan nyo ang aking ISANG SENTIMONG PANANAW!

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-26

Pandinig sa Senado Papunta sa Kawalan

Lathala ni gomezlaw | Friday, December 26, 2008 | , | 0 comments »

Habang abala ang lahat sa paghahanda para sa Pasko, tuloy pa rin ang teleserye sa senado. Pinatawag ng senado ang ilang personalidad na naugnay sa “fertilizer scam”. Inulan sila ng mga katanungan mula sa mga senador hinggil sa naging papel nila sa nasabing scam. Sa simula ay magulo ang naging takbo ng pandinig. Ngunit sa huli, naging malinaw ang modus operandi ng grupo kung paano nagkaroon ng overpricing at gaano kalaki ito. Ang malungkot lang ay hindi sumipot ang “missing link” na mag-uugnay sa grupo kay Bolante.
 
Natapos ang pandinig na walang linaw kung matutukoy pa ang mastermind ng nasabing scam. Tanging maliliit lang na isda lamang ang nahuhuli at nakakaligtas ang mga malalaking tao na siyang nag-utos at nagpatakbo ng buong operasyon. Malayo pa rin ang inaasam na hustiya ng sambayanan na magpaparusa sa mga taong nagnakaw sa kaban yaman ng bayan para sa pansariling interes.
 
Sa takbo ng drama hinggil sa fertilizer scam, mukhang sablay ang pagtatapos nito sa pangkaraniwang tapos ng mga teleserye. Dito, ang masasama ang siyang magwawagi at ang mabubuti ay mananatiling biktima hanggang sa huli. Ganito ang karaniwang takbo ng kwento sa lahat ng kaso na may kaugnayan ang gobyernong Arroyo.
 
Ang mga sumusunod ay ilan lang sa kaso na walang nangyari at hindi nakamtan ang hustiya: garci tape scandal, macapagal boulevard scam, comelec counting machine scheme, OWWA-health card fiasco, ZTE broadband kickback at DA-swine scam. Ilan lang ito sa mga usaping pinaglaanan ng napakahabang oras ng pandinig ng senado ngunit sa huli ay wala ring magandang kinalalabasan.
 
Ang problema kasi ay wala namang prosecutorial power ang senado. Ang lahat ng pandinig ay upang makagawa ng batas para wag na maulit ang mga nasabing kaso. Sa ganang akin, sapat na ang mga batas natin. Ang kulang ay ang pagpapatupad ng batas sa tamang paraan. Malakasang lang loob ng mga umiikot sa batas dahil alam nila may proteksyon ng malalaking tao sa gobyerno at kung minsan sila’y mga sundalo lamang na tumatalima s autos ng nasabing taong gobyerno.
 
Sa ganitong pamamaraan, hindi talaga titigil ang korapsyon sa ating bayan at sa halip ay lalo pa itong lalala. Kung sasabayan pa ito ng pananakot at pagpatay sa mga nagsasabi ng katotohanan, mababaon nang tuluyan ang bayan natin sa kumunoy ng korapsyon. Kapag ganito ang nangyari, ang mamamayan na dapat nakikinabang sa kaban-yaman ng bayan ay mas titindi ang dinaranas na gutom at kahirapan.
 
Kung ako lang ang tatanungin, sa halip na mag-aksaya ng oras sa mga pandinig, direktang dalhin ang isyu sa mga komunidad upang maging malinaw sa kanila ang mga pangyayari. Ang pundo na nasasayang sa mga ganitong pandinig ay gamitin sa pag-oorganisa ng sambayanan. Kung malinaw sa bayan na wala na tayong maaasahan sa pamahalaan na ito, ang bayan mismo ang kikilos upang baguhin ang kasalukuyang sistema.
 
Sa aking pagtantsa, ang lahat ng dramang ito ay isang calculated move para manatili pa rin ang kapangyarihan sa kamay ng mga nagpapalitang naghahari at huwag ilagay ng taong bayan ang kapanyarihan sa kanilang sariling kamay. Ang hirap lang, mukhang pati ang mga nagsusulong ng tunay na pagbabago ay sumasakay sa ganitong pakulo ng mga nagmimintini ng kasalukuyang sistema.
 
Hanggang dito na muna mga kaibigan at ito ang aking ISANG SENTIMONG PANANAW.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-25

"Cha-Cha at Gloria, Ibasura!"

Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 25, 2008 | , | 0 comments »

(Paunawa: Katulad ng pinako ko, pipilitin maisulat ang aking pananaw sa mga pangyayaring naganap nitong huling dalawang linggo. Ang rally laban sa charter change ang pinili kong paksa dahil ito unang malaking kaganapan na hindi ako nakapagsulat ng aking posisyon.)
 
“Cha-cha at Gloria! Ibasura!”  Ito ang umaalingawngaw na sigaw ng mga taong nagtipon-tipon noong ika-12 ng Disyembre, 2008. Umapaw sa dami ng tao ang panulukan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa Lungsod ng Makati. Ang kaganapang ito ay tinaguriang “Prayer Rally versus Cha-cha” at pinangunahan ng mga taong simbahan mula sa iba’t ibang relihiyon.  Layunin ng pagtitipon na ipahayag ang pagkontra at pagkondena ng sambayanan sa panukala ng isinusulong ng mababang kapulungan ng kongreso na baguhin ang saligang batas.
 
Makulay, masaya at mapayapa ang kabuuang tinakbo ng demonstrasyon. Dinaluhan ito ng iba’t ibang personalidad at grupo na karaniwang hindi nagsasama sa iisang pagkilos. Halos lahat ng mga presidentiables ay dumating at nagbigay ng kanilang saluubin sa usapin ng cha-cha. Naroon din ang iba’t ibang pampulitikang partido, grupo at bloke na salit-salit na nagpahayag ng kanilang oposisyon sa cha-cha at kay Gloria. Pumunta ang mga taong simbahan galling sa iba’t ibang denominasyon at paniniwala kasama na ang mga muslim.
 
Ang buong kaganapan ay kinatampukan ng makulay na martsa ng mga delegasyon, mataimtim na dasal ng bawat reliyosong nanawagan ng pagbabago, mga nangangalit na pahayag ng personalidad laba kay Gloria at kulturang pagtatanghal na tumutuligsa sa kasalukuyang kaganapan. Matapos maibulalas ng mga partisipante ang kanilang mga hinaing sa pakulo ng Malakanyang, tahimik na umalis ang ralyista subalit nangakong hindi yon ang katapusan ng laban at itutuloy nila ang maliban sa pagpasok ng bagng taon.
 
Sa aking pananaw, maganda naman ang kabuuang konsepto ng paglulunsad ng mga protesta laban sa kasalukuyang nanunungkulan sa Malakanyang. Lihitimo at tunay naman ang nilalaman na hinaing ng sambayanan na nilalatag sa mga pagtitipon. Walang duda na dapat na palitan ang mga naghahari sa bayan. Sa ganitong usapin, kaisa ako sa layunin at hinaing ng mga ralyista.
 
Ngunit may ilan lang akong mga usapin nais talakayin na sana’y hindi masamain ng mga organizer ng ganitong pagtitipon. Pilitin kong isa-isahin ang mga ito upang mabigyanito ng pansin. Ang pagkakasunod ng mga katanungan at usapin ay hindi ayon sa halaga ng usapin. Ito’y batay lamang sa kung ano ang una na lumabas sa aking isipan.
 
Una, bakit sa Makati (malayo kasi ito sa karaniwang dumadalo ng rally)? Dahil ba sa alyado ang mayor at nabibigyan kaagad ng permit. Kung kailangan ng permit para makapaglunsad sa rally, ibig sabihin ba nito hindi kaya igiit ang karapatan sa malayang pagtitipon?
 
Ikalawa, bakit madali umalis ang natipong tao (sa halip na lumaki, mabilis na lumiliit ang bilang ng mga partisipante)? Ito ba’y dahil sa pagod na sila pagdating lugar o nagmamadali dahil may mga gawain pa sila sa kanilang mga tahanan? Kung ito ang dahilan nila, pwede ba nating sabihing hindi ganun kamumpbinsido sa magiging resulta ng pagtitipon?
 
Ikatlo, bakit napakaraming tagapagsalita (halos pare-pareho namanang sinasabi)? Ito ba’y akomodasyon sa lahat ng grupo sumama sa rali? Hindi ka ba talaga kaya na isang paksa, isang tagapagsalita? Ito ba’y tanda na hindi tuna yang pinakikitang pagkakaisa?
 
Marami pa akong katanungan pero siguro sa ibang pagkakataon na lang. Marahil bukod sa laman, mahalaga na bigyan ng diin ng mga organizer na mas kailangan bigyan diin ang tunay na pagmumulat at pag-oorganisa sa mga mamamayan bilang paghahanda sa kanilang kusang loob na pagkilos kaysa sa mga showcase mobilization na hindi naman kaya ituloy-tuloy. Kung ganito-ganito ang mangyayari, malabang mas lumiit ang sumama o humirap ang pagpapakilos sa mamamayan kahit sa harap ng matinding krisis. Kapag nagkataon, mas lalong hindi makakamit ang inaasam na pagbabago.
 
Ito ang aking ISANG SENTIMONG PANANAW !

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Sangkatutak na Isyu sa Panahon ng Kapaskuhan

Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 25, 2008 | | 0 comments »

Dalawang linggo na mula ng huli akong nakapaglathala ng aking pananaw sa isang usapin, paksa o pangyayari sa aking kapaligiran. Sadyang napakaraming maaaring isulat sa mga nagdaan na dalawang linggo.  Sa dami at bilis ng mga pangyayari para akong nagsilbing simpleng tagamasid lamang sa mga ganapan. Nagulantang ako! Sinisimulan ko pa lang isulat ang isa, myaroon na kaagad na sumambulat na bagong isyu. Sa halip na makabuo ako ng isang artikulo, natigilan ako at natambakan paksang nais kong tugunan.

Gayun pa man, sisikaping kong makapaglabas pa rin ng aking pananaw sa mga nangyari. Kung hindi sa lahat ng usapin, kahit pinakamalalaki at pinakamahahalagang isyu ng bayan. Sabi nga “huli man ay magaling, naihahabol din”. Bukod pa mga mayor na usaping nakakaapekto sa ating bayan, marami rin akong naputahang pagtitipon na mamaaring kapulutan ng aral at pwedeng ibahagi sa aking mga tagasubaybay.

Siguro para na lang hindi ko makalimutan ang nais kong isulat na artikulo, ililista ko na lang ito dito upang maging gabay ko sa paglikha ng mga akda. Ang mga sumusunod ay ang pangyayaring nais ko sanang gawan ng mga artikulo at ilathala dito sa aking blog: ang anti-chacha rally sa Makati, ang walang katapusang pandinig sa senado hinggil sa fertilizer scam, ang terrorist attack sa Mumbai, ang pambabato ng sapatos kay pangulong Bush ng Amerika, ang pamaskong pamimili ng mga regalo sa mga Divisoria, ang mga pagsabog sa Iligan City at pinahuling SWS survey sa taong ito hinggil sa kahirapan.

Marami akong pwedeng idagdag sa listahan katulad ng binabanggit kong mga pagtitipon na aking nadaluhan, ang mga karanasan ng aking mga kaibigan sa panahong nabanggit at pananaw ng kasama ko sa krisis na dumadagok sa buong mundo. Nandya din, ang mga espektasyon at pangako sa darating na bagong taon. Grabe! Ang dami talagang pwede isulat. Ngunit ito muna ang kaya kong isulat sa ngayon-isang listahan.

Alam ninyo, kung mayroon akong natutunan sa yugtong ito ng aking buhay hinggil sa pagsusulat, ito ay  ang lahat ng bagay ay natutunan at nagbabago. Ang kailangan lamang ay bigyan natin ito ng tamang panahon at konsentrasyon. Kailangan ding matuto tayong umangkop at tumanggap ng ating mga kakakulangan upang mabago natin ang ating mga pagkakamali.
Isa pa sa mahalagang aral na aking natutunan, hindi sapat ang diwang manuri sa pagbuo ng isang artikulo. Ang pagpapaunlad ng kakayanan at matiyagang pagsisikap ay mahalagang elemento upang makasulat ng isang lathalain. Naging litaw ito sa pinakhuling na kaganapan nang hindi ako nakatugon sa biglaan buhos ng mga pangyayari. Kapuna-puna talaga ang kakulangan ko sa karanasan at kakayanan sa mga ganitong pagkakataon.

Kaya minarapat ko na ring isulat ang ganitong karanasan upang magtuloy-tuloy ang diwa ng pagtugon sa pamamagitan ng pagsusulat. Nais ko ring ipaliwanag at maunawaan ng mga mambabasa ang kawalan ng mga bagong artikulo sa aking blog. Sa ganitong paraan nasimulan ko uli dumaloy ang adrenalin ko sa pagsusulat.

Sana aking karanasan ay nakatulong sa ibang blogger na tulad ko. Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Maligayang Pasko at Mapagpalayang Bagong Taon sa inyong lahat.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-11

Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao

Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 11, 2008 | , | 0 comments »

Kahapon, ika-10 ng Disyembre, ang ika-60 Taon ng Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao. Taun-taon ay ipinadiriwang ang araw na ito dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Para sa taong ito, ang tema ay "Dignidad at Hustiya para sa Lahat". Nakasentro lahat ng buong organisasyon ng UN para tulungan ang lahat na malaman at maintindihan ang kanilang mga karapatang pantao.

Upang malaman natin ng husto ang ating mga karapatan, dapat mabasa at maintindihan natin ang Pandaigdigang Pahayag ng mga Karapatang Pantao. Mabisang armas ang kaalaman hinggil dito para hindi tayo maabuso ng mga taong nagnanais na labagin ang ating karapatan. Tiyakin natin na maunawaan natin ito at mapalaganap sa ating mga kaibigan at kapamilya.

Nagiging mas mahalaga ito para sa ating Pilipino dahil sa pagtaas ng mga tala sa paglabag sa karapatang pantao nitong mga nagdaang panahon. Ang masaklap pa dito ay mismong dapat na nagbibigay proteksyon para hindi ito malabag ay siya ang nangunguna sa pagabuso dito. At ang karaniwang biktima ng mga paglabag ay mga aktibista, mamamahayag at karaniwang tao.

Kung titignan ang lumalabas na tala ng mga paglabag ng rehimeng ito sa karapatan ng mga mamamayan, makikita natin halos mataas pa ito sa pinagsama-samang tala ng paglabag  sa panahon ng tatlong nagdaang pangulo. Ang mabagsik dito ay walang ginagawa ang kagawaran ng hustiya at sa halip ay ipinagtatanggol pa ang mga lumabag.

Nitong mga huling araw, saksi tayo sa kaliwa't kanan na krimen na nangyayari sa ating kapaligiran. Hindi ito masawata ng otoridad ang mga kriminal. Kaya sa kagustuhan nito makapagpogi sa sambayanan at sa mga nakakataas, naglulunsad sila ng mga sunud-sunod na operasyon upang mahuli ang masasamang loob at maganda ang mga paunang lumabas na balita dito.

Ayos! Tagumpay ang mga otoridad. Patay ang mga kriminal sa engkwentro. Ay mali pala! Lumalabas sa mga huling balita na hindi lang pala kriminal ang mga napatay. Marami palang sibilyan na nadamay at namatay sa labanan. Ang tanging krimen ng mga sibilyang ito ay nasa lugar sila nang maganap ang enkwentro.

Mayroon ding mga pangyayari na mali talaga ang intelligence report o ang natukoy na suspek pero tinutuluyan pa rin ang mga ito. "Rub out" ang taguri dito. Karaniwang biktima ng mga rob out ay pinapatay na. Sabi nga hindi nakakapagreklamo ang patay. 

Kapag lumabas na ang mga balita ng mga anomalya sa mga engkwetro at operasyon,  itinatanggi ito ng mga otoridad. Sa halip na aminin at humingi ng paumanhin,  naglulubid ito nang kung anu-anong kasinungalingan at sinisiraan pa ang mga biktima ng kanilang karahasan. Ang mabigat pa nito, pati ang mga husgado at batas ay pinapaboran pa ang mga mamamatay tao.

Kung ganito na ang nagyayari sa ating bayan, pano na ang sambayanang Pilipino? Habang lumalala ang kriminalidad dito sa atin ay tumataas din ang paglabag sa mga karapatang pantao. Ano na ang mangyayari sa karaniwang tao kung ang mismong dapat nagpapatupad ng batas ay siya mismo ang lumalabag dito? At ang mismong kagawaran na siyang dapat magtaguyod ng hustiya ay kumakampi sa mga kalabang ng hustiya.

Pano na kaya ang pinirmahan ng Pilipinas na Pandaigdigang Pahayag sa mga Karapatang pantao kung mismo ang mga namumuno ay kinukunsinti ang mga lumalabag dito. Mayroon pa kayang karapatan ang mga nammuno sa atin na humarap sa UN kung sila mismo ay hindi tinutupad ang mga internasyunal na kasunduan. Ano pa ang silbi ng mga ganitong deklarasyon kung hindi naman nito kaya bigyan ng tunay na proteksyon ang mga ordinaryong mamamayan ng isang bansa?

Kayo, mambabasa, ano tingin nyo?

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-10

Ang Halaga ng Buhay ng Isang Tao

Lathala ni gomezlaw | Wednesday, December 10, 2008 | | 1 comments »

Tunay na magpapasko na nga. Kaliwa’t kanan na ang mga pagtitipon. Mayroong mga “reunion” ng mga dating magkakasama. Bawa’t opisina ay nagdadaos ng kanya-kanyang “Christmas party”. Mayroon din namang nagdidiwang ng kaarawan. Nguni’t sa lahat ng nadaluhan kong pagtitipon, may isa akong napuntahang kakaiba- isang fund-raising concert para sa mga biktima ng kanser.

Sasabihin ninyo siguro, ano naman ang kakaiba dito? Natural naman ang mag”fund-raising” para sa mga mayroong sakit na kanser. Ang kakaiba dito ay mismong ang maysakit ang siyang nag-umiikot para istimahin ang mga dumalo sa konsierto. Pinapaliwanag at pinapaintindi ang kanyang pinagdadaanan at kung paano niya ito nilalabanan sa araw-araw.

Hanga talaga ako sa katatagan ng loob ng aking kaibigan. Sa gitna ng pinagdadaanan niya, masaya siyang nakikipaghuntahan sa mga bisita. Nagpapayo din siya sa mga dumalo na iwasan ang bagay na magdadala sa isang tao ng sakit na kanser. Kaya ang mga bisita, nagbahagi na rin ng kanilang mga saloobin at suporta sa mga biktima ng kanser.

Dahil na rin sa gantong postura ng maysakit, naging napakasaya ang dinaos na konsierto. Sumasabay sa bawat awitin ang mga bisita. Mayroon ding sumasayaw sa saliw ng mga tutog ng mga “revival music”. Mayroon ding nagboluntaryo pa para maghandog ng kanyang mga awitin. Naging buhay na buhay ang gabi para sa kakaibang pangyayari.

Nguni’t ang kasiyahan ay biglang binalot ng kalungkutan. Isang balita ang dala ng bagong dating na bisita. Isa sa dati naming kasama ang pumanaw tatlong oras pa lamang ang nakakaraan. Pinatay siya ng mga hindi pa nakikilang salarin. Halos lahat ng tao sa konsierto ay kilala ang namatay. Mabilis na nagbigay ng ilang minutong katahimikan ang lahat habang may umaawit ng “leaving on a jet plane”.

Naging madamdamin ang mga bisita. Karamihan sa kanila ay nakatrabaho ang pumanaw. Mismong ang maysakit ay napakalapit sa pumanaw. Talaga naman na hahanap-hanapin mo ang katulad ng isang pumanaw, lalong lalo na’ tuwing mayroon pagdidiriwang ay parati siyang dumadalo at nagbibigay ng kasiyahan sa mga kaibigan. Sa totoo lang, hinihintay siya sa gabing yon nguni’t balita ng kanyang kamatayan ay siyang dumating.

Ang hirap talagang unawain ng buhay. Hindi mo alam kung ano ang maaari mong pagdaanan o kailan ka magpapaalam sa buhay. Mayroong mga taong dumadaan sa napakaraming pang paghihirap bago tuluyang magpaalam. Mayroon din namang bigla na lamang nawawala na simbilis ng kidlat. Mayroong nakakapaghanda at mayroong hindi. Mayroong nakasulit ng buhay at mayroon din namang bumubukadkad pa lang ang pinipitas na.

Siguro hindi mahalaga ang aktwal na usapin kamatayan dahil lahat naman ng mayroong simula ay mayroon ding katapusan. Lahat tayo ay doon din ang tungo. Hindi rin usapin kung gaano ang tagal ng nilagi mo dito sa daigidig. Ang mahalaga ay kung paano mo ginugol ang panahon mo sa mundo. Mayroon bang saysay ang nilagi mo dito? o wala?. Mayroon bang naging pakinabang ang iyong paligid o sangkatauhan sa iyo? o wala?. inuna mo ba ang iyong kapwa? o ang sarili mo lang?. Naglikod ka ba sa iyong bayan? o nakatulong ka pa sa pagpapahirap sa bayan?


Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-08

Pacquiao: Bagsak kay Dela Hoya?

Lathala ni gomezlaw | Monday, December 08, 2008 | , | 2 comments »

“PACQUIAO, BAGSAK KAY DELA HOYA!”. Ito ang inaasahang ulo ng mga balita matapos ang tinaguriang “The Dream Match”. Ngunit kabaligtaran ang nangyari, si Oscar dela Hoya ang umayaw bago pa magsimula ang ika-9 na yugto ng labanan. Marami ang nabigla, marami ang hindi makapaniwala sa kaganapan.

Bakit nga ba marami ang nagulantang sa pangyayari? Bago magsimula ang laban, karamihan sa eksperto ay naniniwala na “mismatch” ang laban pabor kay Dela Hoya. Kaya mga sa pustahan ay 2-1 ang labanan pabor din kay Oscar. Mas marami talaga ang naniniwala na si Dela Hoya ang walang alinglangang magtatagumpay sa boksing nila ni Pacquiao.

Ang tanging kalamangan ni Dela Hoya kay Pacquiao ay tangkad at haba ng abot ng kamao. Ito lamang ang may posibleng epekto sa laban nilang dalawa. Kung magagamit ni Oscar ang ganitong bentahe, mahihrapan si Manny na makalapit o makakonekta ng suntok. Ang iba pang binabanggit na kalamangan ay suhetibong pananaw lamang ng mga naniniwala kay Dela Hoya.

Ang lamang naman ni Pacquiao kay Dela hoya ay edad. Anim na taon ang pagitan ng dalawa. Sa mundo ng boksing, mapagpasya ang edad. Ang bata ay mas mabilis, malakas at maliksi. Dito tunay na masasabi na “mismatch” ang laban pabor kay pacquiao at hindi kay Dela Hoya.

At ito ang pinatunayan sa labanang ito. Panoorin natin ang ika-7 at 8 yugto ng laban ni Manny at Oscar.


Sa mundo ng palakasan, ang lahat ng manlalaro ay may kanya-kanyang panahon sa pasikat at tagumpay at ganun din sa palaos at kabiguan. Ibig sabihin lamang lahat ng nasa taas ay bumababa din; lahat ng luma ay mapapalitan ng bago. Eto ang istorya sa likod ng "Dream Mismatch."

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-06

Isang Pagtitipon, Isang Kisap ng Pag-asa

Lathala ni gomezlaw | Saturday, December 06, 2008 | , | 0 comments »

Magandang umaga kabayan! Ala-una y media ng hatinggabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, Epekto ito siguro ng ininom kong kape. Galing ako sa isang birthday party ng isang kaibigan. Nagkainuman ng kaunti kaya pagdating ng bahay, nagkape pampababa ng tama. Kaya lang ito ang resulta - nawala ang antok.
 
Ang sarap talaga pag nagkikita ang mga dating magkakasama. Hindi maputol ang bidahan. Puro balik tanaw sa masasayang pinagsamahan, pinagsaluhan at pinagtulungan mga gawain at karanasan. Kaya minsan nasasabi mong "kung maibabalik ko lang...." dahil alam mo na ang mga nahangong aral sa bawat tagumpay at kabiguan ng nakaraan. Marami ka sanang naiwasan na maling daan at napabilis ang dating sa inasam na destinasyon.
 
Nakakatuwa ang mga ganitong pagtitipon dahil bukod sa mga kwentuhang walang katapusan, nakikita mo rin ang ibang kaibigan na matagal nang hinahanap.  Mayroong mga dumadating na halos nakalimutan mo na ang itsura sa tagal ng panahong hindi mo man lang nakasalubong kahit minsan. Mayroon ding ayaw mo nang makita pero sumusulpot sa mga ganitong okasyon.
 
Sa hinaba-haba ng panahong kayo'y nagkahiwalay, marami na ang nag-iba. Mayroong nagbago ang anyo ng pangangatawan-ang iba’y pumayat ngunit karamihan ay tumaba. Mayroon ding nakakalbo na at mayroon ding puro pustiso na. Andyan din ang inabutan na ng edad ang itsura. Pero mayroon ding mga kaibigan na hindi nagbago ang itsura at parang hindi tumanda sa pagdaan ng panahon.
 
Ang 30 taong paghihiwalay ay nagdulot ng pagbabago kahit sa antas ng pamumuhay ng mga magkakaibigan. Marami ang nagtagumpay at naabot ang inaasam na buhay. Mayroong iba na mejo naantala ang pag-unlad ngunit naihabol pa rin ang kabuhayan. Nandyan din ang hanggang sa ngayon ay nakikipaghamok pa rin sa buhay.
 
Pero kahit na marami na ang nagbago sa mga dating magkakasama, mayroong mga bagay na hindi pa rin nagbabago at ito ay pagtuturingang kasama. Ang kasama ay kasama.-walang maliit o malaki, walang bata o matanda at higit sa lahat, walang mahirap o mayaman. Ang samahang ito ang gumagawa ng isang masarap at tagumpay na pagtitipon- hindi ang pagkain o inumin. Dahil sa kwentuhan pa lang busog ka na, lasing ka pa!
 
Ngunit ang pinakamahalaga sa mga ganitong pagkikita ay hindi pagbitiw ng mga kasama sa pag-asam ng pagbabago sa lipunang Pilipino. Gumanda man ang buhay o hindi, patuloy pa rin ang mga kasama sa paghahangad ng mabuting buhay sa bawat pamilyang Pilipino. Marami ang hanggang sa ngayon ay bahagi pa rin ng mga kilusang pagbabago. Ang iba nama’y patuloy pa ring tumutulong sa kanya-kanyang paraan upang makapag-ambag sa pagbabago. Samantalang ang ilan nama’y nagdesisyon na tulungan ang mga dating kasama hindi pinalad sa laban ng buhay.
 
Kaya nga sa mga ganitong pagtitipon, hindi ka lang nabubusog at nalalasing kundi nabubuhay din ang diwa’t isip mo na dapat ituloy ang laban para sa pagbabago.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-04

Konstitusyon: Tiyaking Makabayan at Demokratiko

Lathala ni gomezlaw | Thursday, December 04, 2008 | , | 0 comments »

Mula pa sa panahon ni pangulong Fidel V. Ramos hanggang ngayon, ang inisyatiba o pagtatangka para baguhin ang saligang batas ay hindi matapos-tapos. Sa bawat pangulo na nagdaan, ang pagpapalit ng konstitusyon ay parating isa sa napakahalagang usapin. Nguni’t sa tuwing ito’y tinatangkang isulong ng mga tagasuporta nito, hindi ito sinasang-ayunan ng ibang sangay ng pamahalaan at ng mga taga-‘civil society’.
 
Kung ako ang tatanungin, wala naming masama sa pagbabago ng saligang batas. Sa totoo lang naman, darating naman talaga ang pagbabago gustuhin man natin o hindi. Ang tanging usapin lamang ay kung kailan ito dapat maganap, sino ang gagawa ng pagbabago at ano ang lalamanin ng pagbabago. Tatlong mahalagang usapin na magtatakda ng kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
 
Ang unang usapin, kailan ito dapat maganap? Kung ang saligang batas ay hindi na umaangkop sa kasalukuyang kalagayan ng bayan o hindi na ito tumutugon sa pangangailangan ng bayan, dapat na itong baguhin. Ang dapat lamang tiyakin na ang panahon ng pagbabago ay hindi maglilingkod sa interes ng iilang pulitiko kundi sa interes ng nakakaraming Pilipino. Ibig sabihin hindi ito dapat magpapalawig ng termino ng panunungkulan ng kahit sinong halal na pinuno ng bayan (peke man o totoo).
 
Ikalawang usapin, sino ang gagawa ng pagbabago? Ang saligang batas ay ang tumatayong pangkalahatang balangkas ng lipunang Pilipino. Kung buong bayan ang maaapektuhan ng pagbabago, dapat lamang na maging bahagi silang proseso ng pagbabago. Ibig sabihin, isang tunay na ‘constitutional convention’ ang wastong pamamaraan para tio’y baguhin. Ang “Con-Con” ay dapat buuin ng mga kinatawan ng lahat ng sektor o uri ng lipunang Pilipino. Ang hatian ng bilang ng mga kinatawan ay dapat ibatay sa bilang ng isang sektor relatibo sa buong populasyon ng mamamayang Pilipino.
 
Ikatlong usapin, ano ang dapat lamanin ng pagbabago? Ang saligang batas ay dapat magsilbi sa tunay na pangangailangan ng bayan at hindi sa iilan lamang. Dapat lamanin ng konstitusyon ay mga usapin na magbubuklod, magpapalakas at magpapaunlad sa lipunang Pilipino. Ibig sabihin, dapat nitong proteksyunan at itaguyod ang kalupaan, likas na yaman at mamamayan ng Pilipinas. Malinaw dapat na ang mga Pilipino ang karapat-dapat at unang-una na makinabang sa ano mang pagbabago. Hindi dapat isuko ang ano mang atin sa mga interes ng mga dayuhan o ng iilang lokal na naghahari sa bayan.
 
Kung masusunod lamang ang napakarami kong DAPAT, malamang lulusot ang ano mang tangkang pagbabago sa saligang batas. Kung bubuudin ko ang aking posisyon at isasalin sa mga kasalukuyang nangyayaring debate, ganito ito lalabas:
  • Magpatawag ng Constitutional Convention. Maghalal ng mga delegado na kakatawan sa mga sector ng lipunang Pilipino. Tiyakin na ang bilang ng mga delegado ay batay sa kabuuang bilang ng sector relatibo sa bilang ng buong populasyon ng lipunang Pilipino
  • Isabay ang paghahalal ng mga delegado ng Con-Con sa darating ng halalan sa 2010. Walang palalawiging termino. Ang termino ng lahat ng mga bagong halal ay matatapos batay sa lumang konstitusyon.
  • Para sa lalamaning pagbabago, maglunsad ng kosultasyon ang lahat ng representante sa mga sektor na kanilang kinakatawan. Dito matitiyak na ang isusulong ng mga delegado ay ang mga usaping magbibigay ng proteksyon at kaunlaran sa kanilang sektor.
 
Kung tunay ang pagnanais ng mga tagasuporta sa pagbabago ng saligang batas at wala silang personal o pinaglilikurang interes, ang ganitong mungkahi ay medaling sang-ayunan. Ngunit kung ang nagnanais ng pagbabago ay mga tuta ng dayuhan o naghaharing iilan sa bayan, tiyak hindi sila sa papayag. Ang ganitong “formula’ sa pagbabago ng konstitusyon ay malinaw na may pinapaboran-ang nakakaraming bilang ng mamamayang Pilipino.

Kayo mga kabayan, ano tingin nyo?

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-12-02

BayaniJuan: Makabayang Proyekto

Lathala ni gomezlaw | Tuesday, December 02, 2008 | , | 1 comments »

Isang linggo na nang huli akong nakapagsulat ng isang artikulo. Ang hirap talagang lumikha ng isang akda kung ikaw ay hindi naman talaga manunulat. Kailangan mo ng mas matinding pagsisikap at inspirasyon para lamang makabuo ng isang ordinaryong sulatin. Dito ako kinulang kaya nahirapan akong sumulat kahit sa gitna ng napakaraming ganapan sa ating paligid.

Dahil nga wala naman talaga akong angking kasanayan sa pagsusulat, hindi ko na rin pinilit ang sarili ko at sa halip ay inilagay ang aking panahon sa pagpapaunlad ng anyo ng aking blog kung saan, mayroon akong konting kasanayan. Siguro naman napansin nyo ang mga pagbabago sa kulay at ilang lipatan ng mga widgets.

Isa pang pinakaabalahan ko ay pagbabasa ng mga sinusundan kong blog na may mga paksang pulitikal at panlipunan. Nagbabakasali ako na makakuha ng inspirasyon mula sa mga ito. At ito nga, napadpad ako sa blog na nagngangalang “This Is My Philippines” at napansin ko ang isang artikulo hinggil sa “Bayan ni Juan” ng ABS-CBN.

Sa totoo lang, may relatibong paghanga ako sa ABS-CBN kaysa sa ibang istasyon na nagsasabing sila ay walang pinapanigan. Pabor ako sa posisyon ng ABS-CBN na kumiling sa bayan kesa pumatgitna at walang posisyon sa usaping pambayan. Lalo pang pinatunayan ng ABS ang posisyon nila sa mga news and public service program nila katulad ng Bandila at iba pa.

Ang repackaging at integrasyon ng iba’t ibang programa na may temang serbisyo publiko sa ilalim ng “Bayan ni Juan” at paglalapat dito ng makabayang timpla ay nagpatibay pa sa relatibong paghanga sa ABS. Kaya nang makita ang blog ni Procopio at ang mga reaksyon ditto ng mga kababayan natin, hindi na ko nagdalawang isip na suportahan ito sa pamamagitan ng pag-reprint ng ilang laman ng blog niya.

Hinggil ito sa MTV ng Bagong Simula- ang opisyal na awitin ng Bayan ni Juan. Ito na ta tunghayan natin.






Bagong Simula Lyrics


[Kevin Roy]
Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa, asin lagi ang ulam
umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan


[Yael Yuzon]
lupaing kinalbo minsa’y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid


[Mark Abaya]
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos


(CHORUS)
Todo na to!


Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan


[Kitchie NAdal]
wag lang maulit kapalarang kay pait
wag magpabaya wag kang manahimik
wag kang manlalamang, wag kang manggigipit
wag magkanya-kanya, magkaisang bisig




[Yeng Constantino]
Pag malasakit ito’y kabayanihan
gawin mo ano mang makayanan
kalagayan ng baya’y sumasama lamang
kung walang gagawin tayong mamamayan


(Chorus)
Todo na to!


Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan


[Placid]
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan


[Tugma]


[Narration]
Ipakita natin sa ating mga magulang
mga kapatid kaya natin to
isang subok pa, sabay sabay na
walang kokontra, todo na to


(CHORUS)
Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
Bagong simula ng ating bayan!!!!

(Ang kopya ng lyrics ay galing sa This Is My Philippines)

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-23

Surveys: Mahalaga Ka ba sa Buhay ni Juan?

Lathala ni gomezlaw | Sunday, November 23, 2008 | , | 1 comments »

Nitong mga nakaraang araw habang umuusbong ang iba't ibang isyu't usapin hinggil sa buhay ni Juan dela Cruz, dalawang (2) surveys ang lumabas mula sa SWS at Pulse Asia. Magkaiba ang paksa ngunit mahigpit na mKevin Royagkaugnay. Maituturing mo nga silang kambal-tuko ng lipunang Pilipino. Sila ang sanhi at epekto na dinaranas ng sambayanang Pilipino.

Ang unang survey ay mula sa Pulse Asia na sumusukat sa kalidad ng buhay ng Pilipino. Ayon dito, 58% ng mga tinanong ay nagsasabing mas humirap ang buhay ngayon kumpara noong nakaraang taon. Dagdag pa, 78% rin ang nagsasabi na bumagsak ang kabuhayan nila. Mayorya rin ang nagsabi na hindi bubuti ang kanilang kabuhayan sa susunod na taon.

Maliwanag ang pinapakita ng survey na ito na lumulubha ang kahirapan sa Pilipinas. Kung babalikan natin ang mga nakaraang surveys sa ganitong usapin, matatanto natin na pareho lamang ang resulta. Ibig sabihin mas nababaon ang Pilipino sa kahirapan dahil ang benchmark na ginamit ay yong dating kalagayan.

Ang ikalawang survey ay nilabas naman ng SWS na sumusukat sa persepyon ng mga negosyante hinggil sa sinseridad ng pamahalaan na labanan ang korapsyon. Lumalabas na pito (7) lamang sa mga opisina na gobyerno ay positibo ang marka (SSS, DTI, SC, LGUs, DOH, COA, DOF). Pito rin ang nakatanggap ng "zero" o halos walang ginagawa (DepEd, AFP, Sandigangbayan, Ombudsman, Trial Courts, Senate, DBM) samantalang 16 opisina ang nakatanggap ng negatibong marka (GSIS, DA, DOJ, PNP, DILG, PAGC, DENR, Comelec, DOTC, Office of the President, LTO, PCGG, Congress, BIR, DPWH, BOC).

Maliwanag ang pinapakita ng survey na mas maraming opisina ng gobyerno ang nakakapagpalala ng korapsyon samantalang 7 lamang sa 30 ang nakikitang may ginagawa para sugpuin ito. Makikita rin dito ang mga opisina na dati nang inaakusan ng korapsyon ay kabilang sa mga negatibo ang nakuhang marka.

Ngayon mga kabayan, paano malulutas ang kahirapan sa Pilipinas? Pag-unlad ng ekonomiya na tumatagos sa mamamayan, ang sagot sa lumalalang kahirapan sa bansa. Ibig sabihin, kailangan lumakas ang kalakalan sa bansa. Kailangan dumami ang mga negosyo na makakapagbigay ng trabaho at sa gayon, dumami ang may kakayanang tumakilik sa mga produkto o serbisyo ng mga negosyo. Kailangan din tumaas ang kakayanan ng mga negosyo para makapagbigay ng mas mataas na sahod na magbubunsod na mas mataas na kakayanan ng mga mamimili. Sa ganitong paraan, sasabay sa pag-unlad ng negosyo ang kakayanan ng mamamayan para tangkilikin ang mga negosyo. Ito ang magtitiyak ng magandang buhay sa bawat Pilipino.

Ngunit paano ito magagawa kung mismong mga negosyante ay nakikitang tiwali ang mga sangay ng pamahalaan. Pinalalaki ng korapsyon ang gastos sa pagtatayo o pagpapatakbo ng mga negosyo na siya namang pinapasa lamang ng mga negosyante sa presyo ng mga bilihin at/o pagtitipid nila sa sahod ng manggagawa. Ang negosyo na hindi makayanan ang gastos sa operasyon ay nagsasara na lamang na siya naman nagpapalaki ng hukbo ng mga walang trabaho. Kung hindi gaganda ang senaryo para sa pagnenegosyo, malabong umunlad ang ekonomiya. Kung sasadsad ang ekonomiya, mas lalong maghihirap ang Pilipino.

Malinaw na ang epekto ng korapsyon ay kahirapan para sa mamamayan. Ang pera na dapat ay napupunta sa nakakarami ay pinakikinabangan lang ng iilan. Kaya nga tama naman ang Malakanyang, umuunlad daw ang ekonomiya pero ekonomiya lamang ng mga tiwaling tao sa gobyerno.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-21

Baile! Cha-cha na Naman!

Lathala ni gomezlaw | Friday, November 21, 2008 | , | 0 comments »

Ito naman po tayo mga kabayan! Pagkatapos ng dasal ay aksyon na! Cha-cha na mga kaibigan. Nagsimula na ang pagpapapirma sa kongreso. Target ng mga mambabatas, 198 na pirma para mailunsad na ang constituent assembly. Papalag daw ang mga senador kaya aabot ito sa korte suprema. Pero malakas ang loob ng mga nagsusulong. Bakit kaya?

Ang "pabiro" na dasal ni Dureza para kay GMA ay nagsilbing senyales sa mga kapanalig ng pangulo sa mababang kapulungan para simulan na ang kampanya para palitan ang saligang batas. Mula pa sa panahon ni Ramos hanggang sa kasalukuyan,ang pagpapalit ng konstitusyon ay parating isinusulong sa tuwinang matatapos ang termino ng mga nakaupo. Ngunit ang lahat ng pagtatangka ay hindi nakakalusot dahil sa pagtutol ng iba't sangay ng pamahalaan at ng mismong sambayanan.

Ngunit sa pagkakataong ito, iba na ang senaryo. Bukod sa dominado pa rin ng Malakanyang ang mababang kapulungan ng kongreso, nakuha na ng administrasyon ang liderato ng senado. Dagdag pa rito, ang pagreretiro ng pitong huwes ng korte suprema bago pa matapos ang termino ni Gloria. Ang ibig sabihin nito, ang buong miyembro ng korte suprema ay magiging hirang na ni GMA. Siempre sabi ng mga ito na sila ay mga independent at impartial. Tignan na lang natin sa hinaharap.

Pero sa ganang akin, ito muna ang payo ko. Panoorin nyo!




At ito pa ang isa, panoorin nyo uli!




Bahala na kayo maghusga nga kabayan. Ang mahalaga palagi tayong maging mapagbantay. Kung hindi ito makakabuti sa bayan, aba, kailangan tayong magkaisa at kumilos laban dito!

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-20

Dasal para kay Gloria

Lathala ni gomezlaw | Thursday, November 20, 2008 | , | 0 comments »






Ang napanood nyo ay ang dasal ni Press Secretary Jesus Dureza para kay GMA bago ang pagsisimula ng pulong gabinte. Ang nasa baba naman ay ang dasal ng mamamayang Pilipino para kay GMA.



“ABA Naman GLORIA
Puno Ka Na ng GRASYA!
Ang YAMAN ng BANSA
Ay SUMAIYO Na.
Sa HUSAY ni GARCI
Naging PEKENG PANGULO Ka!
Bukod Kang MANDARAYA
sa Babaeng Lahat.
PINAGPALA ring MANGKURAKOT,
ASAWA MO’t ANAK.
Kaya WALA Ng NATIRA sa AMEN”


Kayo? Ano dasal nyo para kay GMA?

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-18

Kudeta sa Senado: Anong pakinabang ng Pilipino?

Lathala ni gomezlaw | Tuesday, November 18, 2008 | , | 0 comments »

Kahapon, nabigla na naman ang sambayanang Pilipino nang bumulalas sa balita na pinatalsik si senador Manny Villar bilang pangulo ng mataas na kapulungan ng kongreso. Matagal na rin namang umuugong ang kudeta ngunit ito’y hindi naisasakatuparan dahil na rin sa kawalan ng malinaw na mayorya o minorya ang senado. Mayroon lamang maliliit na grupo ngunit hindi naman kaya magpanalo ng isang usapin kung ito'y hindi makikipag-alyansa o makipagkasundo sa isa pa o maraming grupo o indibidwal. Sabi nga sa senado, hindi uso ang partido at nagpapasya ang bawat senador batay sa sarili nyang posisyon, plano at interes.

Ang kudetang nangyari sa senado ay produkto ng alyansa sa pagitan ng “mga tunay daw na oposisiyon” at “mga sipsip sa administrasyon.” Malinaw ang pagkakaisa ay may sapat na bilang(13) para sa isang aksyon politikal na naging daan para hindi na rin pumalag ang loyalista ni Villar sa tinaguriang “Wednesday Group.” Tignan mo nga naman, ang kalimitang magkabangga sa mga mayor na usapin ay nagkasundo para patalsikin ang kanilang niluklok na pinuno ng kapulungan. Nakakatawa talaga pero napakalinaw ang ipinapakita ng pangyayari na “sa pulitika, walang permanenteng kaibigan o kaaway ngunit mayroon lamang permanenteng interes.”


Napakahirap talagang isipin na ang mga senador na nagnanais patalsikin si Gloria Macapagal Arroyo ay nakikipagkasundo sa mga senador na sagadsaring tuta at tagapagtanggol ng kasalukuyang rehimen. Ito talaga ang naging palaisipan sa akin! Pinatalsik ba si Villar dahil sa nabunyag na anomalya(double insertion) sa badyet? Ngunit kung tutuusin ang halagang pinag-uusapan dito ay hindi hamak na napakaliit kumpara sa halaga ng mga iskandalong kinasangkutan ng rehimeng Arroyo. Kaya talaga hindi ko ito matanggap na ito ang dahilan ng kudeta sa Senado.
Kung ganoon, ano kaya ang tunay na motibo ng mga instigador nito? Wala na kong ibang nakikita kundi ang darating na halalang pangpanguluhan sa 2010. Malinaw na ito dahilan! Nais ng mga instigador na maging pantay-pantay ang katayuan ng mga kakandidatong pangulo sa 2010. Tignan natin ang mga pumirma sa resolusyon na nagnanais na palitan ang kasalukuyang liderato ng senado. Lahat ng tinatawag na “presidentiable” o mga nagnanais kumandidatong pangulo ay pumirma para patalsikin ang isa pang “wannabee.” Siyempre, depensa ng mga nagpatalsik, wala raw itong kinalaman sa darating na halalan.
Sa totoo lang, maraming “formula” para marating ang tunguhin. Pero ang hindi katanggap-tanggap ay ang alyansa sa pagitan ng “mga nagnanais ng pagbabago” at “mga sumasagka sa pagbabago.” Ang ganitong “formula” ay isang hakbang paatras para sa kilusan para sa tunay na pagbabago. Walang nanalo sa ganitong pagkakaisa kundi ang mga nagnanais ng “status quo.” Huwag nating gawing dahilan ang kahinaan at pagkakamali ng isang kasama para makipagkaisa sa kalaban. Ito’y nakakapagpahina ng hanay ng mga nagnanais baguhin ang kasalukuyang rehimen.
Ang ganitong hakbangin ay malinaw na hindi kapakipakinabang para sa mamamayang Pilipino. Inaantala nito ang kilusang pagbabago. Pinatatagal nito ang paghihirap ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Sa harap ng panawagan ng mga bishop, kabataan, civil society, manggagawa at iba pang sektor ng lipunan para sa pagbabago, ang ganitong pangyayari ay tila parang tubig na sinaboy sa nag-iinit na damdamin ng mamamayan!


Mga kaibigan sa oposisyong pulitikal, sana unahin nyo ang kapakanan ng sambayanan sa inyong mga hakbangin. Lagi nyong isaisip na mamamayang Pilipino ang nagluklok sa inyo sa kapangyarihan tinatamasa nyo ngayon!

(Antayin ang ikalawang bahagi)


Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-16

Entrecard: Kailangan ba ng Pagbabago?

Lathala ni gomezlaw | Sunday, November 16, 2008 | , | 0 comments »

Ang orihinal na konsepto nito ay Patak Pinoy. Hango ito sa sistema ng entrecard. Dahil na rin sa nakikita kong mga limitasyon sa naturang sistema, naisip ko na mainam kung magkaroon sariling tipo ang mga Pilipino. Kaya kung mapapansin natin ang ilang mga punto sa baba na nakatutok sa Pilipinas. 

Ngunit habang sinusulat ko ang artikulo, naisip ko pwede naman ito magamit ng lahat para mas marami pa ang makinabang. Pangalawa, naisip ko ring mayroon ng kasalukuyang sistema (Entrecard) na maganda at nakakatulong sa marami, kaya’t bakit pa kailangan gumawa ng bago kung kaya naman itong paunlarin at sagutan ang ilang kakulangan at limitasyon.


Ang akdang ito ay bahagi ng aking wishlist. Wish nga kaya hindi ko alam kung matutupad o hindi. Alam ko rin na sa pagmumungkahi ko nito ay maaaring maalis ang site ko sa listahan ng entrecard. Ngunit nais ko lang ng pagbabago kung saan lahat ay makikinabang ng parehas. Sana ipagpaumanhin ng mga mambabasa kung di sila sang-ayon sa aking mga mungkahi. Layunin ko lang masimulan ang isang diskusyon o talakayan para mabuti pa ang entrecard na pare-paheho nating pinakikinabangan.
 
Mungkahing pagbabago o dagdag sa sistema ng Entrecard

1.    Wika. Walang pagbabawal sa wikang pwedeng gamitin. Pwedeng Filipino, pwedeng English o kahit na ano pang wika kung saan sanay ang manunulat. Maaari ding Ilokano, Cebuano o kahit ano pang wikang panrehiyon ng Pilipinas. Dito makakatulong tayo na mabigyan ng pagkakataon na magamit sa internet o maging popular ang iba’t ibang wika hindi lang English.
 
2.    Estilo ng pagpatak(dropping) ng card. Mas mahusay siguro dapat kalakip ng pagpatak ay ang paglalagay ng komentaryo sa isa sa mga blog ng site na binuksan. Masisigurado ng ganitong estilo na tunay binabasa ng mga dropper ang mga laman ng blog at naiiwasan pa ang bounce rate ng site.
 
3.    Ispasyo ng ads. Maganda na ang 125px X 125px na laki ng ad pero siguro mas mainam kung di natin ito minimum size. Pwedeng ang buong ad box ay may size na 375px(w) X 250px(h) kung saan kayang maglaman ito ng anim(6) na 125px X 125px. Pwede rin itong maglaman ng dalawang(2) 375px X 125px o tatlong(3) 125px x 250px.
 
4.    Presyo ng ads. Ibatay natin ang presyo ng ads sa laki ng ads at hindi sa popularidad ng site. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang subhetibong pagtantsa kung alin ang mas popular o mas maraming trapik na alam naman natin lahat na pwedeng dayain.
 
5.    Entrecard Auto ads. Pwedeng ireserba ang kalahati(mungkahi ung nasa ilalim na bahagi) ng ad box para sa mga ads na entrecard mismo ang maglalagay. Dito, maaaring ilagay ng entrecard ang kanilang mga sponsor, patron o donor. Magtitiyak ito na kikita ang entrecard mula sa operasyon.
 
6.    Auto-translation. Mas mainam sana na kung pagbukas pa lamang ng site ay otomatiko itong naisalin sa wika kung nasaang bansa ang nagbukas ang mambabasa. Mayroon na lamang “original language button” upang kung nais ng mambabasa makita o mabasa ang site sa orihinal na wika nitong ginamit. Sa ganitong pamamaraan, naiintindihan agad ng mambabasa ang laman ng site.
 
Ang lahat ng nabanggit kong kaibahan ay magdudulot ng teknikal na problema sa kasalukuyang entrecard. Ngunit ang mga problemang ito ay kayang bigyan ng solusyon kung sisikapin lamang ng mga namamahala ng ganitong sistema. Isa pa, may problema na di naman makakasagabal sa kabuuang operasyon ng entrecard katulad ng wikang gamit na maaari naman pabayaan na muna hanggang magawa ang mga teknikal na solusyon.
 
Marami pa kong naiisip, pero hanggang dito na muna at tignan na lang natin kung saan hahatung itong artikulo ko. Hintayin ko ang mga komentaryo nyo. Maraming salamat sa inyong lahat! Sana di naman ako maalis sa listahan!

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Makabayang Disenyo sa T-shirt ni Francis M.

Lathala ni gomezlaw | Sunday, November 16, 2008 | , | 0 comments »

Palapit na nang palapit ang pasko. Panahon nang simulan ang pagbiili ng mga pangregalo habang di pa ito gaanong nagmamahal. Kailangan ko pagkasyahin sa badyet ang lahat ng kailangang regalo. Kaya para sumapat ang kakarimpot na salapi, Divisoria ang tamang destinasyon. Kaso mukhang di ako aabot na bukas pa ang mga stall dito lalo na’t dito pa ko sa QC manggagaling. Ops! pero tamang tama at nagbukas na ang Tutuban Night Market-nasa bangketa kaya mas mura pa. Kaya sugod na kaagad ako!
 

Sakto dating ko 7:30pm kaya kumain na agad sa una kong nakitang bukas na karenderia. Sa isip ko, baka wala ng makainan pag lumalim ang gabi at para wala nang istorbo a paghahanap ng mabibili. Pagkatapos kumain, sindi muna ng isang stick na yosi(kadiri!) habang naglalakad papunta sa mga stalls.


Grabe! Buhay na buhay ang gabi. Maliwanag na maliwanag ang buong paligid ng Tutuban Main Building Mall. Iba’t ibang tao ang aking mga nakasalubong at nakita: mayroong matanda, bata, dalaga, binata, bakla at tomboy. May namimili rin na kasama ang buong pamilya. Mayroon din mga magasawa, magsyota, magkaopisina, makaklase at iba pa.
Siyempre sabak na rin agad sa pamimili. Isa-isa kong binili ang aking nasa listahan. Kalkal dito, kalkal doon. Sukat dito, sukat doon. Tawad dito, tawad doon. Para mapagkasya sa badyet at matiyak na tama lahat ng binibili. Ang daming tinda, iba’t ibang produkto. Hindi lang pangregalo, meron ding gamit pambahay, maliliit na appliances, accessories sa motorsiklo at iba pa. Meron pa ngang natatattoo e. Kung marami kang pera, marami kang mabibili na mura.
 

Pagdating ko sa likod ng mall, nabigla ako at mayroon palang kainan doon. Ang sasarap! Puro ihaw, sinugba! Laki ng panghihinayang ko! Akala ko wala ng makakainan. Bumili na lang ako ng inumin at inamoy-amoy na lang ang mga iniihaw.
 

Pabalik na ko sa pinagsimulan ko at patapos na rin sa lista ng mga bilihin nang maagaw ang atensyon ng mga binibentang T-shirt. Makabayan ang mga disenyo. Ang gaganda! Lumapit ako para magtanong( tanong lang kasi wala sa badyet ko). Pagrerebisa ko ng produkto, nakita ko ang etiketa-Francis M. Clothing Co. Tinanong ko ang nagbabantay kung kay Francis Magalona talaga ang mga t-shirt na un(pasensya at di ko talaga alam na may clothing business na si Francis M). Oo daw sabi ng bantay. Ang daming kabataang bumibili ng t-shirt. Medyo may kamahalan pero wala na naman talagang mura sa panahon ngayon.
 

Ang kinatuwa talaga sa t-shirt ni Francis M ay tinatangkilik ito ng kabataan. Hindi ko alam kung dahil it okay Francis M o dahil sa disenyo. Supetsa ko, ang konsepto ang mabenta dahil sa pag-ikot ko pa, marami pa akong nakita produkto na naglalaman ng mga makabayang mensahe at maraming bumibili dito.
 

Bigla talaga akong napaisip. Marami pa rin pala ang nagmamahal sa bayan. Kitang-kita ko ang pagtangkilik ng mga mamimili. Nandyan din ang mga namumuhunan para sa ganitong uri at konsepto ng negosyo. Nasabi ko nga sa sarili, kung sana magtuloy-tuloy ito at dumami pa ang mga mamimili ng mga ganitong produkto, tiyak dadami rin ang mamumuhunan. Isa itong pagtugon sa konseptong tangkilikin ang sariling atin.
 

Matapos maubos ang badyet(di pa nauubos ang nasa listahan), umuwi na rin ako ng mayroon ngiti sa labi. Buhay pa ang sulo ng pagiging makabayan ng mga Pilipino!

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-15

Obama; Pag-asa ng Sangkatauhan?

Lathala ni gomezlaw | Saturday, November 15, 2008 | , | 0 comments »

Labing isang (11) araw matapos mahalal si Barack Obama bilang pangulo ng Estados Unidos(EU), nagsasaya at nagbubunyi pa rin ang mga Amerikano at halos buong sangkatauhan. Ang lahat ay patuloy na namamangha, nagtatanong at nag-uusap hinggil sa pinakamahalagang kaganapan sa daigdig ngayon. Ang pagwawagi ni Obama ay isang makasaysayang kaganapan dahil siya ang unang pangulo ng Amerika na may lahing Aprikano.
 

Sadya naming napakahalaga nito lalo na sa isang lahi na dumaan sa pagkaalipin, pang-aalipusta at diskriminasyon dahil sa kanilang kulay. Ang tagumpay ni Obama ay tagumpay ng lahat ng mga Aprikanong Amerikano. Kaya sino ba ang hindi magtataka sa pagkapanalo ng “itim” sa laro na pinaghaharian ng “puti”. 

Hindi lang ang kulay ni Obama ang nagpanalo sa kanya, nandyan din ang kanyang kabataan (kumpara kay McCain) at napakahusay na estratehiya na gumising sa mamamayang Amerikano na puspusang lumahok sa proseso ng halalan. Mahalaga ang ginampanang papel sa pagwawagi ni Obama ang kasalukuyang krisis pangpinansyal na kinahaharap ng Amerika at buong daigdig.
 

Ngunit ang pinakamahalahaga dahilan ng pagkapanalo ni Obama ay ang kapalpakan ng mga patakaran at pagkilos ng kasalukuyang administrayon ng Amerika. Si Bush , ang pinakamahusay na kampanyador ni Obama at bentador naman ni McCain at ng buong Republican. Sa totoo lang, bago pa magsimula ang halalan, siguradong Democrats na ang susunod na pangulo ng Estados Unidos. Ang tanging usapin lamang ay kung babae o may lahing Aprikano ang siyang uupong president at kahit sino parehon siyang kauna-unahan para sa Amerika.

Habang hindi pa natutunawan ang lahat sa pagkapanalo ni Obama, taimtim ding sinusundan ng buong daigdig ang mga susunod na hakbang niya-ang pagbubuo ng kanyang gabinete, ang diskarte nya sa digmaan sa gitnang silangan at iba’t iba pang hakbangin makakaapekto sa ibang bansa at buong mundo.
 

Marami ang naniniwala na si Obama ay ang kabaligtaran ni Bush. Marami ang nangangarap na ibabangon ni Obama ang Amerika at buong daigdig sa kasalukuyang krisis pampinansyal. Marami rin ang umaasa na wawakasan nya ang mga digmaan kumikitil sa milyong buhay. Marami ang naghihintay na ipatupad ng Amerika ang tunay at pantay-pantay na pandaigdigan kalakalan. Marami rin ang nagdadasal na pangunahan ni Obama ang Amerika tungo sa tunay pandaigang proteksyon sa kapaligiran at kalikasan.
 

Napakaraming hamon kay Barack Obama! Napakaraming naniniwala sa kanya! Tanong ko lang mga kaibigan: Si Obama nga ba ang solusyon sa lahat problema ng mundo?

Hirap yata noon. Ano siya si Superman? Hehehe

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks
2008-11-13

Entrecard; Positibo o Negatibong Konsepto?

Lathala ni gomezlaw | Thursday, November 13, 2008 | , | 1 comments »

Mayroon palang bago konsepto dito sa blogging. Maaaring luma na ito para sa marami ngunit sa katulad kong bagong blogger, bagung-bago sa akin ang ganitong ideya. Ito ay ang Entrecard. Isa itong e-card con ad card na kung saan pwede kang makaipon ng credit sa pamamagitan ng pag-drop nito sa mga binibisita mong site na kasali sa entrecard network. Ang iyong mga naipon na credit ay pwede mo namang ibili ng ad space ng ibang site para maanunsyo ang blogsite mo. At pag may nagclick dito nakakaroon ka ng dagdag na credit. Galing no? Isipin mo advertising na walang ginagamit na pera.

Sa totoo lang napakaganda ng konsepto hindi lang sa tulad ko na di kaya bumili ng ad space dito sa internet kundi para sa lahat ng gumagamit ng internet. Sa isang banda, tila nagiging pantay ang oportunidad para mayaman at mahirap. (Siyempre, sa mahirap na may pambayad na makapag- internet-hehehe!)


Pero di lang ads ang gamit ng entercard. Pwede mo rin ito magamit para mapataas ang ang ranking ng site mo. Pano? May isa pang dagdag na konsepto ang umiikot kalakip ng entrecard, ito ay ang "U Drop-I Follow", na kung saan ang site na nilaglagan mo ng entrecard ay susunod sa iyo at maglalaglag din ito card sa site mo. Brilliant di ba? Dahil dito, dumarami ang pumupunta sa site mo at habang dumarami ang bisita mo ay tumataas din ang ranking mo. Tama?

Nakakatuwa talaga! Biruin mong pati ang presyo ng ad space mo ay tumataas dahil buong konsepto nito. Malaking trapik, mataas ng presyo! At kahit sa labas ng entrecard network, tumataas din ang halaga ng ad space mo. Ang hirap yatang kumuha ng kliyente na magpapa-ads sa iyo kung napakababa ng ranking mo o walang bumibisita sa site mo. Alam naman natin ang mundo ng advertising na dapat tumbasan ng dami ng nakakita ng ads ang perang ibinayad sa paglalagay ng ads.


Kaya kung gusto mo kumita sa pamamagitan ng ads space, kailangan pataasin mo ang ranking mo. Para tumaas ito, kailangan mo ng maraming bumisita sa site mo at magagawa mo ito kung maraming maglalaglag sa iyo ng card. At para maraming maglaglag sa iyo, kailangan maglaglag ka rin ng card sa maraming site. Pero di ito ganun kadali o kabilis. Mejo malaking oras din ang gugululin mo para maghanap at magbukas ng site na lalaglagan mo ng card. Dagdag pa na may mga site pa na mabagal bumukas. May limitasyon nga pala ang bilang na pwedeng ilaglag sa isang araw-300 entrecard lamang.

Alam mo ba kung gaano kalaking oras ang gugulin mo sa paglaglag ng 300 entrecard? Mula sa paghahanap ng site, pagbubukas nito, paghahanap ng lokasyon ng entrecard hanggang sa paglalaglag ng card ay kukunsumo ng 3-5 minuto. Yan ay kung DSL ang gamit mo koneksyon. Kaya average ng 4 na minuto kada site. At kapag i-multiply natin ito sa 300, lalabas na 1200 na minuto o 20 oras o kulang-kulang na isang araw. At marami pang aberya kasama nito, may mga site na nagha-hang, may mga site na di na kasama sa network at may mga site na mahirap hanapin ang drop point. Kapag nga dial-up ang koneksyon mo, umaabot ng 3 araw para matapos mo ang 300 site.  

Dahil sa ganitong sitwasyon may mga gumawa ng paraan mabawasan ang oras na kukunsumuhin para makapaglalaglag ka ng 300 card. Ang estilo ay parang mass email. May mga nakahanda ng listahan ng site at sabay-sabay na binubuksan ang site kaya lang hanggang sampung site lang ang kaya. Sa ganitong estilo, bumaba ang oras na kinakain ng paglalaglag ng card sa 4-6 na oras. Ok na rin di ba?


Sa ganitong kalakaran, totoong tumataas ang ranking mo at dumadami ang bumibista sa site mo. Pero dumarami rin ba ang bumabasa sa site mo? Napapansin ba ang ads sa site mo? Mukhang malabo itong mangyari sa ganitong pamamaraan. Wala na halos oras para magbasa pa, ang habol mo kasi ay ang pinakamaraming site na mabubuksan mo at mailaglag ang card.


Sa totoo lang talagang mahirap ito magawa! Sinubukan ko ito ng 2 magkasunod na araw. Pinilit kong basahin ang mga laman ng mga site pero puro pahayaw lang ang nangyayari. Meron din akong sinubukan na ibang estilo katulad pagkalaglag ko ng card, kiniklik ko ang ads at nagbubukas ito ng bagong site. Hanapin ko dito ang drop point at uulitin ko ulit ang ginaa ko. Sa ganitong estilo medyo nakatulong ka sa site na nagpa-ads pero di pa rin nito nasolusyunan ang pagbabasa ng mga laman ng site.

Ang isa siguro magandang gawin at sa maraming may mungkahi ay ang pagbibigay ng credit sa mga magbibigay ng komentaryo sa mga blog. Di ba maganda ito? Siguro pwede rin natin na bigyan ng credit ang magkiklik ng ads, sama na rin natin ang mga sasagot ng polls at iba pang laman ng site. Sana magawan ito ng paraan ng entrecard. Kasi sila ang may control sa paglalgay ng credit e.

Pero sa lahat tingin ko kahit may mga ilang negatibo sa bagong konsepto, sa kabuuan positibo pa rin ito sa mundo ng blog. Tingin ko para bago itong phenomenon sa internet e.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks