Website Ribbon Bolante: Higante o Bulate?
Loading...
2008-11-03

Bolante: Higante o Bulate?

Lathala ni gomezlaw | Monday, November 03, 2008 | , | 0 comments »

Dumating na ang pinakahihintay na pagpapatuloy ng paboritong telenobela ng bayan-Ang ikalawang kabanata ng "Bolante: Higante o Bulate." Mapapanood nyo lamang ito sa nag-iisang istasyong pandrama ng bayan-Ang Senado. Ok ba sa pinakabagong handog? Meron na naman tayong kalolokohang palabas!

Siguro mas maganda kung balikan natin muna ang unang kabanata para mailagay natin sa konteksto ang parating na kabanata. Si Jocelyn "Jocjoc" Bolante ay dating undersecretary ng Kawanihan sa Pagsasaka sa ilalim ng pamumuno ni kalihim Arthur Yap hanggang taong 2004. Kinasuhan si Bolante at Yap ng graft ni Marlene Esperal, dating resident ombudsman ng DA central mindanao noong 2003. Batay sa demanda ni Esperal, overpriced at di dumaan sa public bidding ang pagbili ng mga pataba.


Bago pa maghalalan noong 2004, inakusahan na ni Ping Lacson, kandidato sa pagka-pangulo noong 2004, si Gloria Arroyo na gagamitin ang P728 Milyon na pundo sa pataba para masigurado ang kanyang kandidatura sa pamamagitan ng pamumudmod nitong pundo para bumili ng mga pataba sa ilalim ng proyektong Ginituang Masaganang Ani (GMA).  

Matapos ang halalan, sinampahan ni Frank Chavez, dating solicitor general, si GMA at Bolante ng kasong plunder. Noong Setyembre 2004, nagbitiw si Bolante sa kanyang tungkulin dahil sa ibang dahilan. Binukasan ng senado ang pandinig hinggil dito noong Oktubre 2005 sa pamumuno ni dating senador Ramon Magsaysay. Pinatawag ng senado si Bolante para maliwanag ang komite hinggil sa nasabing usapin ngunit di nito sinipot ang pandinig. Tumakas at nagtago na si Bolante sa Amerika. Noong Disyembre 2005, naglabas ng kautusan ang senado na hulihin si Bolante.


Hiningi ng senado ang tulong ng Amerika kaugnay ng kaso ni Bolante.  Noong Hunyo 2006, nahuli si Bolante at kunulong sa Amerika. Bilang depensa, humingi ng asylum si bolante sa Amerika dahil daw namimiligro ang kanyang buhay kung siya'y ibabalik sa Pilipinas. Matapos ng mga negatibong desisyon dito ng korte sa Amerika, binabalik si Bolante sa Pilipinas.

Heto na tayo ngayon sa susunod kabanata. Sari-saring eksena na ang lumalabas. Andyan na may humihiling kay Bolante na magpakabayani at sabihin ang totoo hinggil sa Fertilizer scam at ituro ang tunay na mastermind nito. Andyan din ang naniniwla na hindi babaliktad si Bolante sa kanyang among tunay at maglulubid lamang ng kasinungalingan.

Kaya kayo kababayan, anong tingin nyo? Si Bolante ba ay magiging higante o at papanig sa kabutihan laban sa kampon ng kasamaan? O, magiging bulate at magtatago sa ilalim ng lupa tungo sa kaharian ng kadiliman. Magpahayag ka ng iyong damdamin!

Ilang punto lang. Si Marlene Esperal ay binaril at napatay sa harapan ng kanyan bahay noong Marso 2005. Nahuli ang mga salarin at natukoy ang nag-utos ngunit di pa ito naaresto. Samantalang si Arthur Yap napawalang sala ng ombudsman sa kasong sinampa ni Marlene ngunit hindi si Bolante.

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?