Website Ribbon Pagkaing Pinoy
Loading...
2008-11-01

Pagkaing Pinoy

Lathala ni gomezlaw | Saturday, November 01, 2008 | , | 0 comments »

Kelan kayo huling nag-ulam ng tuyo, sawsawang kamatis at mami noodles? Ako, kagabi lamang. Grabe ang naging kainan naming pamilya - ganadong ganando. Ang sarap talagang kumain ng ganitong kumbinasyon ng ulam sa isang kainan. Lalong lalo na kung kayo’y nagsasawa na sa pag-uulam ng karne ng baboy, manok o baka at para maiba naman ganito ang inyong inulam. Tama ako, di ba?

Kaya lang sana ganito ang dahilan ng bawat Pilipino sa pagkain ng tuyo at noodles. Pero hindi sawa o maiba naman an gaming rason kung bakit ito ang inulam naming. Katulad ng karamihang Pilipino, naghanap lang kami ng ulam na kakasya sa badyet namin para mairaos ang hapunan. Ito ang karaniwang tagpo sa buhay isang ordinaryong Pilipino ngayon. Siguro masasabi ng iba, “naku! kaya naman talaga kumain ng karne, naiinarte lang .“ Para mas maayos tignan natin kung kaya talaga kumain ng mas maayos ang isang Pilipino.

Sisikapin kong magbigay ng ilang kwenta ng gastusin para patunayan ang aking punto. Ang kwentada kong ito ay para sa pamilya na may bilang ng apat na miyembro, naninirahan sa MetroManila, isang nagtatraho (ama o ina) na may minimum na sweldo at dalawang nag-aaral na anak sa pampublikong paaralan.

Mga buwanan gatusin:

Upa sa bahay : P5,000.00. Karamihan sa nagsisimulang pamilya ay wala pang sariling bahay na kaysa maging “squatter” ay nangungupahan na muna. Sa totoo lang, mahirap humanap ng isang upahan kakasya ang isang pamilya sa ganitong halaga.

Kuryente: P1,000.00. Para ito sa paggamit ng 4 na ilaw, refrigerator, telebisyon, dvd player, radio, 2 electric fan at plantsa

Tubig: P350.00

LPG: P500.00

Pasahe: P1, 126.00. Ang iskwela, lugar ng trabaho at palengke ay isang sakay mula sa tirahan. Ito ang sumusunod na kwentada>>nagtrabaho:26 araw X P17.00/araw, nag-aaral: 2 X 22 araw X P14.00 at namimili: 4 araw X P17.00

Celphone: P600.00. 2 Celphone X P30.00/3 araw X 10 beses

Ang kabuuang gastusin, wala pa nag pagkain at baon ng mga pumapasok, ay P8,576.00

Ang sweldo ng isang minimum wage earner sa Metro Manila ay P362.00 X 26 araw o P9,412.00

Ibawas natin dito ang gastusing nabanggit at ang matitira ay P836.00 o P28.00/araw o P7.00/araw para sa isang miyembro . Kakasya ba ito ? Palagay ko hindi.

Tanggalin natin ang gastos sa Celphone. Ang matitira ay P1,436.00/buwan/pamilya 0 P48.00/araw/pamilya o P12.00/araw/miyembro ng pamilya. Ano kasya nab a ito para sa pagkain? Hindi pa rin.

Ano pa kaya ang pwede natin tanggalin? Siempre ang pasahe, LPG at tubig ay mahirap pang bawasan. Kalahatiin kaya natin ang paggamit ng kuryente? Kaya dadagan natin ng P500.00 ang matitira para sa pagkain at ito ay P1,936.00/buwan o P65.00/araw o P16.00/araw sa bawat miyembro ng pamilya. Ano kaya na ba? Mukhang hindi pa rin.

Ano kaya ang solusyon para kumain(kahit di na masarap o masustansya, basta makakain lang) ang pamilya? Ang isang solusyon na nakikita ko ay bawasan o tanggalin ang gastusin sa upa sa bahay. Makitira sa kamag-anak? Naku! Mahirap yan! Away lang kakauwian nyan. Mag-“squat” na lang kaya? Grabe ang dagdag ka na naman sa dumadaming bilang nila. Mahirap din yan! E kung ang bawasan natin ay gastusin sa kuryente at tubig? Sagad na halos ang kwenta dito e. Alangan naming mag”jumper” o iligal na koneksyon? Hindi pwede, masama yan! Iligal nga e. E kung magtrabaho kaya ang isa pang miyembro ng pamilya? Pero kulang nga ang trabaho dito sa atin kaya nga ang daming lumalabas na ng bansa para magtrabaho kahit masira na ang magandang takbo ng buhay pamilya.

Mahirap talaga magbawas ng gastusin para buhayin. Kasi kahit anong pagtitipid mo, may batayang pangangailangan na di pwedeng kaltasin at mahirap din gumawa ng mga bagay na magiging dagdag na problema kaysa sa solusyon. Ang mainam na solusyon ay madagdagan ang trabaho, maitaas ang sweldo at mabawasan ang presyo ng mga bilihin. Pero magaganap ba ito sa kasalukuyang lipunang Pilipino?

Tingin nyo?

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?