Website Ribbon Obama: Pangulo ng Amerika
Loading...
2008-11-05

Obama: Pangulo ng Amerika

Lathala ni gomezlaw | Wednesday, November 05, 2008 | , | 0 comments »

Pagbati kay Barack Obama, ang bagong halal na pangulo ng Estados Unidos. Siya ang kauna-unahing pangulo na may lahing aprikano at ika-44 na pangulo ng Amerika. Siya'y kabilang sa partido demokratiko ng Amerika. Kasabay ng pangkapanalo ni Obama ay ang kapanalo ng kanyang mga kapartido sa Senado at Kongreso. Sa ganitong tunguhin, magiging dominado at kontrolado ng partido demokratiko ang panghuluhan, senado at kongres o sa madaling salita. ang buong pamamahala ng buong Amerika.

Para sa ating Pilipino, ano ang ibig sabihin ng panguluhang Obama ng Amerika? Uunlad ba ang kabuhayan ng Pilipino kung sya na ang nakaupong pangulo? Maiibsan na kaya ang kahirapan dito sa atin? Dadami na kaya ang trabaho dito sa atin nang hindi kailangan magpakabusabos ang mga kababayan natin sa ibang bansa? Tataas kaya ang sweldo ng ordinaryong manggagawa? Bababa kaya ang presyo ng bilihn? Sus, daming katanunganpero pasimplehin na lang natin, may bentahe ba ang bayan natin sa panguluhan niya?



Batay sa kanyang mga pahayag at mungkahing patakaran, may mga positibo at "negatibo" para sa atin. Sa usapan ng kalakalan at ekonomiya, malinaw na ang posisyon niya dito ay nakakonsetra sa pag-unlad at pagpapalakas ng panloob na ekonomiya ng Amerika. Bangga siya sa outsourcing business, kaya posibleng maapektuhan ang mga "call centers" dito sa atin na ang pangunahing kliyente ay Amerika.



Sa usaping ugnayan panlabas at digmaan, kontra si Obama sa patakarang "unilateral action" at pabor sa pamamayani ng diplomasya sa usaping ito. Kontra din siya sa hindi kailangang digmaan. Positibo ito ngayon para sa Pilipinas dahil hindi aastang "Diyos" ang Amerika sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.



Sa usaping enerhiya at kapaligiran, malinaw na sang-ayon si Obama sa renewable energy at pagpaparami ng "green jobs". Maganda ito para sa buong daigdig dahil Amerika ang isa sa pinakamaliking "pollutant" ng mundo. Ang Amerika maghanggang ngayon ay di pa pumipirma sa kyoto protocol. Kaya sa kabubuan, makikinabang din tayo dito.



Marami pang usapin na positibo ang posisyon ni Obama para sa buong lipunan katulad ng posisyon niya sa kahirapan, kababaihan, emigrasyon, karapatang pantao at iba pa. Kaya kung susumahin natin ang mga posisyon ni Obama sa iba't ibang usapin, maganda ang posibleng hahatungan nito para sa Pilipinas. Mangyayari kaya ito?



Sa totoo lang, may reserbasyon ako kung talagang kaya ng Amerika magpalakas ng di sinasamantala ang mahihinang bansa. Normal sa isang bansa na unahin ang kaunlaran niya at kagalingan ng mamamayan niya kaysa sa ibang bansa. Kaya ang bawat bansa ay nakikipagrelasyon sa iba batay sa kanyang kakayanan at sariling lakas. At sa proseso ng pakikipag-ugnayan, di maiiwasan na makakuha ng bentahe ang malakas na bansa kaysa sa mahinang bansa.



Tingin ko ang tanging solusyon para di tayo lamangan ng Amerika o iba pang bansa ay palakasin din natin ang ating ekonomiya at kalakalang panloob. Tatratuhin lamang tayo ng parehas ng ibang bansa kung hindi tayo umaasa sa kanila para mabuhay. Irerespeto lamang tayo ng ibang bayan kung tayo mismo ay may tiwala at respeto sa ating kakayanan bilang Pilipino.



Kaya may bentahe nga ba tayo sa panguluhang Obama? Ewan ko pero tignan na lang natin sa hinaharap. Basta sigurado, mas mainam na ayusin natin ang bayan natin para di tayo apihin at isahan ng ibang bansa!

Share and Enjoy!
Digg Stumble This Del.icio.us Mixx Furl Propeller Simpy Live Twitthis Add To Slashdot Spurl Google Yahoo Reddit Technorati Blinklist Blogmarks Smarkings Ma.gnolia SphereIt Sphinn Feedmelinks

Post a Comment

Kaibigan, sa opinyon mo, tama ba ito o mali? Bakit?